Wayven Karyme Fermin

2.5K 60 12
                                    


College. Different world, different people, different me. Noong high school, palagi kong nilo-look forward ang college. Bukod sa ito ang last years ko sa paaralan, sabi nila sa college mo mararamdaman talaga ang tunay na mundo.

Sa college mo makikita ang magiging mga kaibigan mo talaga. Swerte na lang kung matibay kayo ng mga kaibigan mo noong highschool.

"Oh my gosh, Wayve!" tili ni Airen habang papalapit sa amin ng mga kapatid ko. Kumunot ang noo ko.

"What?"

"Nag daming gwapo! I cannot!" Halos magtwinkle ang mga mata niya habang sinasabi iyon. I rolled my eyes.

Airen Lee's specialty is really boy hunting. Pag gwapo talaga ang bilis makakita ng gaga.

"Guys! Look, o! Owemgi! Ang hot fafa nila!" tili pa ni Rose nang dumaan iyong grupo ng mga basketball players.

The notorius fuck boys of Fermin U. Nga naman, freshmen pa lang nag-iwan na agad ng impression. Napailing ako. I grabbed my bag and was about to grab my bestfriend, Sky, nang biglang huminto iyong grupo nina Naga, which happens to be iyong group ng mga fuckboy din.

"Kambs, pahintay naman mamaya o," Sky said to her brother, Drago.

I looked away. Ewan ko pero I feel really uncomfortable kapag nagkakasalubong kami. I always feel those stupid butterflies in my stomach and I know the fucking reason why I am feeling those shits.

Sky would always tease me about her twin, but I always shrug her off. E, ano naman kung crush ko siya. It's just normal to have a crush. Tsaka maraming nagkaka-crush sa kanya. I mean, who wouldn't? He has the looks plus ang galing pang mag-handle ng babae.

I mentally rolled my eyes watching the girls screaming.

"Wayve!"

"Huh?!"

"Anong huh! Tulala ka. Nakairap ka pa diyan. Seriously?" Inirapan ako ni Sky.

Agad na namula ang mukha ko nang mapagtanto ang nangyari. What the hell!

I composed myself and breathe deeply. I was about to drag Sky when I felt someone staring at me. Nilingon ko iyong mga fuckboy at laking gulat ko nang magtagpo ang paningin namin ni Drago. He was freaking smirking!

Shit.

Agad akong nag-iwas ng tingin. I closed my eyes. Gahd. Bakit kasi siya nakatitig?!

"Tara na nga,Sky!" sabi ko sa bestfriend ko at hinila na siya paalis doon.

"Hey! Bakit ka ba nanghihila!" reklamo niya pa.

"Male-late na ako sa first class!" palusot ko na lang. Hindi na rin naman siya nagreklamo.

"Sige, babye na Sky, I'll see you later!" paalam ko nang makarating kami sa Med building. Bineso ko sita bago tumakbo sa building.

Naiwan siya roong nawe-weirduhan. Nang umalis na rin siya ay tsaka lang ako nakahinga nang maluwang. Nasa third floor pa ang klase ko at ang daming tao sa elevator kaya nag hagdan na lang ako.

First day was good so far. Though my schedule this sem was hell. Papasok ng 7:30, lalabas ng 7:30 din. Grabehan lang diba. Argh.

"Nakakapagod," reklamo ko kay Ate Nia nang nasa sasakyan na kami.

Maaga ang dismissal niya pero member kasi siya ng student council kaya matagal din siyang umuwi.

"With your sched, it's really tiring." Napairap ako.

Fermin Series #2: Doubting Hearts (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon