{CHAPTER 2}
Gumising ako na medyo mugto ang mata. Aisshh that boy...... 5:30 A.M na pala.
Bumangon ako at naghanda na. Pumunta akong banyo nag hilamos, nag toothbrush, at naligo na ako. Pagkatapos non ay bumaba na ako Para kumain at naabutan ko si kuya na nag-a-almusal.
"Good Morning, baby" sabi niya sabay ngumiting ng kay tamis sa'kin.
"Goodmorning, Kuya"sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
"Ihahatid kita ngayon. Sabay na tayong papasok sa school. Bilisan mo na Baka ma late tayo sa school"sabi niya at kinuhanan niya ako ng plato at kutsara.
"Kuya maaga pa 6:15 A.M palang e. Excited ka? " sabi ko sabay tawa ko sakanya.
Excited lang ako no'ng unang araw sa school. Kahit na focus ako sa pag aaral ay tinatamad din ako minsan. Nakakatamad din kasi 'yong ang aga gumising.
"Whatever, baby,basta bilisan mo na" aniya.
Binilisan ko ng kumain baka atat na atat na ang isang to eh. Ayoko naman na mauna siya kasi sayang naman 'yong extra na pera ko pang gastos sa pamasahe.
Pumasok na kami sa school 6:30 A. M palang may trenta minutos pa ako. Tinawagan ko nalang si Alyssa, nasan na kaya yon. Hala Baka natutulog pa. Tsaka baka malate pa siya.
Naka limang tawag na ako Saka lang niya sinagot.
"Hello, Sabelle. Wait lang naliligo pa kasi ako eh, kaya hindi ko sinagot tawag mo. Susunduin ba kita? " aniya.
"Naku huwag na hinatid na ako ni kuya. Andito na ako sa school akala ko kasi hindi ka pa nagigising eh. Haha" sabi ko ng natatawa.
"Heh. Sige na mag aayos pa ako"
"Sige ingat ka. I love you" sabi ko sabay patay ko ng tawag.
Hay maglilibot nalang ako siguro pupunta nalang ako sa library para tumambay, magbasa. Habang nag lalakad ako ay napadaan ako sa music room ng school. Minsan nga dito nag pra practice sila kuya. Habang nag lalakad ako at may narinig ako tumu tugtog. Piano huh? Sino kaya yon hmmm.
"Ang galing naman niya" nasabi ko na lang sa sarili ko.
Papasok sana ako pero naka talikod siya sakin. Oh my God. Ang galing niya. Papasok na sana ako pero dumaan yung Mga babae kahapon na naka salubong namin sa cr.
Nextime ko nalang siguro aalamin kung sino siya. Dumiretsyo na ako sa library para mag basa. Pero hindi ako Maka concentrate kasi naiisip ko yung lalaking kanina. Sino kaya yon. Kailangan Kong malaman.
Hindi ko namalayan ang oras 7:10 na pala. Huhu. Late na ako. Nakita ko yung cellphone ko na may 10 missed calls at 10 messages galing kay Alyssa. Bakit hindi ko man lang napansin? Binuksan ko ang message niya sakin.
Alyssa:
Asan ka na?
6:55 A. MIsabella! Andito na si Mr. Manangan!
7:05 A. MAsan ka na ba?
7:06 A. MYun lang yung binasa ko kasi late na talaga ako. Ang akala ko pa naman siya 'yong malalate pero ako pala. Tumakbo na ako sa room buti nalang malapit lang yon sa library may tatlong room lang na lalagpasan. Pero late parin ako. Huhu.
"Kung bakit ba kasi ang bilis ng oras!"
Narinig Kong nag Le lecture na si Mr. Manangan. Pumasok ako at pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...