Chapter 23

19 2 0
                                    

{CHAPTER 23}

"Ma'am can I excuse Isabella Ramos po?" sabi ng ssg president

Tinignan siya ni Mrs. Reyes, siya yong English teacher namin. May asawa't anak na kasi siya,  si Bianca classmate din namin na may pag ka bully. Isa siyang payat na may pagka morena. Bagsak ang maganda at medyo mahaba niyang buhok na may kulot na konti sa baba.

"Pinapatawag po ng principal "

Maybe this is about being ssg v-president?  Wala naman akong naalala na may nagawa akong masama.

Tinanguhan ako ni Mrs. Reyes na parang sinasabi na pumunta ako.

"Ako din ba? " sabad ni Matteo.

Umiling lang ang ssg pres.

Kinalabit ako ni Matteo.

Tinignan ko siya at seryoso siyang naka tingin sakin.

"Tell me kung ano sasabihin niya ha?" sabi niya

Ang bastos talaga neto,  ba't 'di niya sabihin na ' Mommy'.

Kinunutan ko siya ng noo saka ako sumingot at tumango. Wala akong oras para maki pag away sakanya. Tumayo na ako at sumama sa ssg pres. Nakakapag aral pa kaya siya ng maayos?  Eh halos andami niya ginagawa araw-araw eh. Pag pinatawag nga ng principal dapat nando'n siya kaagad. Ang sipag naman niya, pag ako siguro siya ay hindi na ako makaka pag -aral ng maayos.

"Isabella, " sabi ng principal, suminghap siya saka tumingin sakin. "We need to go to Spain "

Nabigla ako dahil sa sinabi niya. Spain? Ano naman kaya yong gagawin nila do'n?

"Do you know Matthew?  Matteo's younger brother?  Isabella,  he's sick, very sick. He has h-heart disease," Tinignan niya ko ng mamasa yong mga mata niya "And I want you to convince Matteo to come with us. Isabella, hindi niya kayang iwan ka, sabi niya mag papa iwan na lang daw siya para sayo. But we can't go without him."

Nabigla ako dahil sa diretsyo niyang sinabi to sakin. Matteo is such an ass. Why would he do that to his only brother?

Tumayo ako para yakapin siya. Naiiyak ako dahil rinig na rinig ko 'yong bawat hikbi niya.

"Please," pagmamakaawa niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Lumabas ako sa office niya. Dumiretsyo muna ako sa comfort room para mag hilamos. At para na rin hindi mahalata 'yong pag iyak ko kanina.

Mahal ko si Matteo pero kaya ko siyang pakawalan para kay Matthew. Ayokong mawala 'yong bata dahil lang sa katigasan ng ulo ni Matteo.

"Hey," salubong sakin ni Matteo

"H-hey"

Bakit ba siya nandito?  Hindi ko pa nga napapakalma 'yong inis ko sakanya. Papakawalan ko din siya pero hindi ko pa kayang sa ngayon. Sabi naman ni mommy niya ay pagkatapos nalang ng birthday niya, susunduin daw sila ng daddy niya. I wonder kung kamuka din niya si Matteo? 

Gusto ko munang sulitin 'yong araw na kasama ko siya, kaya isasantabi ko muna 'yong inis ko.

"Tara sa milkshakes! My treat " sabi niya

"Hoy sama kami!" sigaw ni Alyssa sa likod ni Matteo. "Nakarinig kasi ako ng libre e" sigaw niya.

Ang yaman niya pero kuripot.

Nando'n din si Alexis tapos Tristan na parehong nakasimangot. Ano kaya problema ng mga to?

"Ano sainyo?" tanong ni Alexis ng nasa milkshakes na kami.

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now