{CHAPTER 26}
"You sure you really want to go?" Tanong ulit ni papa nang nilalagay na namin 'yong gamit namin sa van.
Suminghap siya.
Maaga kaming aalis dahil may pasok pa kami bukas. At talagang sineryoso ni Nash yung sinabi niya sa AU sila mag-aaral. Si Ryzen grade-12 na at syempre classmate ko si Nash. Sobrang dali nga lang nila nakapasok, ang rason lang ni Nash ay dahil daw matalino siya.
"I can talk to your principal again if you want." aniya
Tinignan ko siya, " Pa, please. Promise babawii ako sainyo this Christmas "
Suminghap ulit siya.
"Fine, then" Tumikhim siya,"Ryzen, Nashiel, take care of your little sister okay?" pagtatawag niya sa mga kapatid ko.
"Hindi na kaya ako -"
"Of course, dad. Kami bahala sakanya walang makakalapit na lalaki ni isa sakana-" tuloy tuloy na sabi niya
"Hoy! Sobrang oa naman. "
Nagtawanan kaming dalawa dahil sa mga pinagsasabi namin. Seryoso lang din naman si Ryzen 'tsaka si papa naman ay bakas sa kaniyang mata ang lungkot.
"Call me if there's a problem, okay?"Sabay halik sa noo ko.
"Thank you so much, papa"
Travel by land kami dahil na rin sa kagustuhan ko at ni papa. 'Tsaka may dalawang driver naman.
"Hoy! Do'n ako sa malapit sa bintana ah! " sigaw ko kay Nashiel.
Dinilaan niya ako," Ayoko nga" aniya.
'Yong ayoko kasi sa lahat ay mag-isa lang sa iisang upuan. Kaya gusto ko na may katabi ako. Alam na din nila na gusto ko sa tabi ng bintana, pero sa kasamaang pala ay ganon din ang gusto ng kapatid ko. Sa dinami dami ng pinuntahan namin ay meron na akong nakakabesa sa mga pag-uugali nila.
Sinimangutan ko siya.
"Here" tapik ni Ryzen sa katabi niyang upuan, minsan kasi siya din 'yong katabi ko pero himala at nagpaubaya siya ngayon.
"Hoy, Nashiel! May sakit yata 'tong kapatid natin oh" pang-aasar ko kay Ryzen.
Magkakampi kasi kami ni Nash sa pang-aasar kay Ryzen. But we know our limitations, kapag sobrang asar na siya ay titigil na kami,pero kapag natapos 'yong onting inis niya ay 'tutuloy ulit namin. Kaonti lang talaga kasi kailan ba hindi nainis si Ryzen? Lagi yata siyang iritado eh.
Humikab ako dahil sa puyat kagabi. Eh paano ba naman na e-excite na akong makapunta ulit sa Manila. Nakapagpaalam na din ako kay mama kahapon.
"Do I have clothes sa bahay?" I asked them.
"Of course, duh? Pinag-shopping ka sa secretary ni papa. " sabi ni Nash
Humikab ulit ako.
"You can sleep here" tapik niya sa balikat niya " 'Wag mo lawayan to ah. It's expensive, you know. " aniya sabay tingin ulit sa kalsada.
Kagaya ni kuya Jasper ay may pagka sweet din minsan 'tong si Ryzen. Pero 'yong kasweetan na 'yon ay babawian nila ng panirang linya.
Humilig ako sa balikat ni Ryzen, amoy na amoy ko 'yong pabango na gamit niya.
Nagising ako dahil sa sobrang ingay ni Nash. Ang sarap nga lagyan ng tape yung bunganga niya eh.
Sinalubong ako ng malamig na hangin pagkababa namin sa van. Pinasadahan ko ng tingin 'yong bahay, mas malaki 'to kaysa sa bahay sa Buenavista. Hindi rin gaya ng bahay nila Matteo, mas modern style.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomantizmLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...