{CHAPTER 13}
"Let's all welcome candidate number 4 Ms. Kym Hachana and Mr. Matteo Dominguez " Sabi ng isang teacher na parang nag silbing emcee ngayong intrams.
Tumanggap ng maiinit na palakpakan at hiyawan ang mga tao ng lumabas sila sa mag kabilang side, 'yong iba ay humihiyaw pa ng mga pangalan nila Matteo. Tipid din akong ngumiti at pumalakpak.
Hinawakan ni Kym yung batok ni Matteo, si Matteo naman ay nakababa lang ang kamay. They are wearing the same t-shirt, Kym with her white pants and boots while Matteo's wearing his black pants and a simple shoes. They look so perfect. Ngumiti si Kym sa camera ganon din si Matteo.
Sinabi nila na mas mauuna yung pageant kaysa sa sports na sinang-ayunan naman ng iba. Wala naman kaming ginawa kahapon pasyal lang kami ni Alyssa sa mall.
Sumunod naman is sportswear, ganon padin naman yung hiyawan. May iba pa na nagsasabi na perfect sila, may iba din na nag sasabi na "comeback" maybe sila yung nakakaalam ng past ni Kym at Matteo.
"Past lang ba talaga 'yong tingin nila sa isa't isa? Omygosh! They looked so perfect "
"Kapag nagbalikan sila, swear! "
Sabi ng mga nasa harap sa'min.
"You okay?" sabi ni Alyssa at tumingin sakin tapos tumingin ulit kila Matteo.
Tumango lang ako. "Yeah" tipid kong sagot.
Kasama din namin sila Anna pati na rin sila kuya. "Hays" buntong hininga ni Anna. Pang Ilang buntong hininga na rin niya yan. Sana daw kasi ay siya iyon pero.... 'yon nga. Ayoko na lang din maki alam kaya tumahimik na lang ako.
"I should be the one who's slaying on that stage! " naiinis na sabi ni Anna.
Pagkatapos nong sportswear ay sa talent naman ngayon. Talent nila is mag sayaw, it's like sexy dance or something na siya namang dahilan nang pagkunot -noo ko. I didn't expect this actually. Wala din kasi nasasabi sakin si Matteo. Ganon na lang din ang pag kabusangot ni Anna. Kung Maka react naman siya parang girlfriend.
"Kung hindi mo sana kasi pinilit 'di sana nasa tabi mo siya ngayon" umiirap na sabi ni Alyssa.
"It's fine, Alyssa. Wala naman akong pinag sisisihan sa ginawa ko " I said.
"I can't watch them. Mag ka ka eye sore pa 'ko "
Ang arte naman neto kung maka react naman parang may virus sa mga mata nila na kapag tinignan mo ay mahahawa ka.
"Shh.... Stop it, Alyssa, manood ka na lang" bulong ko sakaniya
Tinignan din ako paminsan minsan ni Alyssa sinisiguro kung okay lang ako. I'm totally fine by the way. Nang malapit na sila matapos ay naglapit 'yong mga muka nila. Naghuhuramintado yung puso ko kaya tinakpan ko na lang yung mata ko para hindi makita 'yong paghahalikan nila. Nagsimula na din manikip yung dibdib ko, gusto ko sumigaw na akin siya pero hindi ko magawa. Naalala ko din yung halikan nila nong una.
"Oh bakit ikaw hindi mo pinapanood? " ngiting sabi ni Alyssa.
"Nanonood kaya ako! May inalis lang ako sa ano-"
"Sa ano?" aniya 'tsaka niya tinaas 'yong isa niyang kilay.
"Sa mata ko!" alibi ko.
Hindi niya ako pinansin at tinoon 'yong tingin sa nasa harap. Akala ko ba ayaw niya manood? Sinabi ko nga pala na manood na lang siya.
Sa bandang huli ay question and answer na. Hindi ako masyado maka concentrate sa pinapanood ko dahil kanina. Natapos na ang Mr. And Ms. intrams at gabi na din pala, hapon din kasi nagsimula ang pageant kaya late na natapos. Nanalo din sila kahit pa sa money contest.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...