{CHAPTER 16}
Nandito kami ngayon sa cafeteria, sa isang round table to be exact.
"So, paano na 'yan?" Alyssa pouted
"I'm sorry. Biglaan kasi 'to na sinabi ni ma'am, e." siniko ko si Matteo para siya naman mag explain.
"You can come to us. Malaki naman space ng van 'tsaka may tent naman siguro kayo. Hindi ba?" nakangiti niyang sabi sa'min.
"Wah! Seriously? Oh hell yeah! We're going. Right guys?" tanong ni Anna sa mga kasama namin.
I almost forgot they're here. Kanina pa kasi sila tahimik at hindi ko alam kung bakit. Meron din sila Alexis at Tristan. But kuya and ate Cath are nowhere to be find.
"But, Isabella nasabi ko na kila mommy na pupunta tayo do'n " Alyssa said in frustration.
"Ako na lang mag sasabi na hindi tayo matutuloy " nginitian ko siya para sabihin na ayos lang.
Tumango siya bilang sagot at nanahimik na lang. And then she started talking to tristan.
Nag-usap- usap pa kami kung anong magiging plano namin. Sa school na lang daw kami mag kikita. But Izan said he will going to pick me up na ikinakilig naman nila Alyssa.
"Aw. Langgam " They laugh so hard aside from Anna's group.
"Ah. Hindi na kaya ko naman na pumunta dito, kahit mag taxi pa ako" I said trying to convince him.
Umiling siya "I know but I insist "
I bit my lower lip. Hindi na yata siya talaga mapipigilan, ngumingiti pa siya sakin na tapos tinataas 'yong dalawang kilay. Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga titig niya. Oh, butterflies in my stomach, relax.
"Izan, can you pick me up too? Medyo malayo kasi dito 'yong bahay namin e." Anna pleaded.
Tinignan ako ni Matteo na parang nasa akin ang desisyon. Tumango ako bilang sagot dahil lahat na pala sila ay naghihintay ng isasagot ko.
"Ah, sure" seryosong sabi ni Matteo 'tsaka siya bumaling sa'kin. " Hating gabi tayo pupunta para saktong sakto kapag naka rating tayo ng maaga do'n. " Sabay tingin sa mga kasama namin.
"Why?" Alyssa asked.
" Para maaga tayo maka akyat sa mt. Camp at para hindi mainit." paliwanag niya.
Hating gabi? Why so early? Pwede naman na umaga. Pero sabagay baka kapag hapon kami aakyat ay mapapagod kami kaagad dahil sa sobrang init.
"Mataas ba?" I asked
"Hindi naman masyado " ngumiti siya " Kaya ikaw sleepy head, you should sleep early, alright?" sabi niya sabay pinindot 'yong ilong ko.
Sinimangutan ko siya " Ang aga ko nga nagigising, e. " I said.
Tumango -tango siya na parang hindi naniniwala kaya.
"I am not sleepy head!" sigaw ko sakanya.
"Ouch. Mi Amor, ang sakit sa tainga niyang boses mo." sabi niya sabay hawak sa tainga niya habang tumatawa.
"I am not sleepy head!" Mas lalo ko pang inilapit sa tainga niya. Natatawa na din ako sa pinag gagawa ko.
"Stop it or I will kiss you?" naging seryoso ang tinig niya pero nando'n padin 'yong ngisi niya.
Tinikom ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. Malay ko ba baka totohanin niya. Tinignan ko sila isa-isa na tahimik at tumingin sa'min. Uminit ang pisngi ko dahil sa mga titig nila. Napapikit ako ng mariin ng tumawa si Izan.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...