Chapter 15

16 2 0
                                    

{CHAPTER 15}



Pagpasok ko sa skwelahan ay pinagtitinginan ako ng mga tao. 'Yong iba ay nakangiti,  'yong iba naman ay nakabusangot na animo'y hindi nabilhan ng candy.


"Isabella!!!" Sigaw ng tatlong babae sabay hawak sa braso ko.

Hinila nila ako papunta sa kung saan. Nagpatangay na lang din ako sa hila nila. Anong laban ko eh tatlo nga sila na hila-hila ako.

"Aray...." reklamo ko ng sumasakit na 'yong braso ko kakahila nila.


Honestly what's going on?!  Kung pagsasapakin ko kaya 'tong mga taong 'to ngayon? Kung makahila naman kasi akala mo kung isang bagay lang ako na walang pakiramdam!


"Ang sweet naman nila!"

"Nakakainggit"

"Ang romantic ng place"


Dinala nila ako sa bulletin board. May mga tao doon na nakapalibot sa isang picture na hindi ko masyadong makita dahil nasa likuran ako. Nagchi chikahan sila sa harap mismo ng bulletin board. Pero ng makita nila ako ay binigyan nila ako ng daanan para makapunta doon.


Tinignan ko 'yong nasa bulletin board. Kami ni Matteo na nasa garden of flowers,  nakahalik siya sa noo ko habang ako naman ay nakapikit. Naka jogging pants pa ako dito,  gantong ganto 'yong suot ko kahapon. Halos mapamura ako ng maisip ko na nakuha ito kahapon. Dammit,  sino ang kumuha no'n?


"Kayo na ba?" tanong ng babae na medyo kulot 'yong buhok sa ibaba.

Namumula ko silang tinignan " Ah.... Eh h-hin-" Hindi ko na natuloy 'yong sasabihin ko dahil may sumagot na sa likuran ko.

"Oo"


Bumaling ako sakanya at nakita kong naka ngiti pa siya. Lumapit siya sakin at umakbay, amoy na amoy ko din yong pabango niya. Tinignan ko siya ng nagtataka pero hindi niya man lang ako tinignan at sa iba pa talaga siya tumingin.


Sasagot na sana ulit ako pero tinakpan niya 'yong bunganga ko. Bakit siya ganito?! Kung lagyan ko din kaya ng tape 'yang bunganga mo!?

" Kaya kung sino man 'yong magtangkang mang bully o mang away man sakanya ay parang saakin na din niyo iyon ginawa. Kaya kung ayaw niyo'ng makalaban ang isang Matteo Dominguez ay 'wag na 'wag niyong gagalawin ang isang Isabella Ramos. Naiintindihan niyo ba?"

Tumango naman sila bilang sagot.




Bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ni Matteo papunta sa kung saan. Gusto kong bawiin 'yong sinabi niya sakanila.

"Hin....di huwag kayo maniwalaaaa! " sigaw ko pero alam kona walang maniniwala. Mas papaniwalaan nila syempre si Matteo.


What the hell is wrong with you,  people?!  Si Matteo lang 'yan but they were acting like as if he was a god or something. Para silang mga aso na sunod - sunuran kay Matteo. Kasama niya din pala sila Tristan,  Alexis, at kuya na parehong ngumingiti. Tinignan ko si Kuya pero nagkibit balikat lang ito saka ulit ngumiti. Gusto ko na talagang magtaka kung kapatid ko ba talaga siya o hindi.



"Ano bang problema mo,ha?" naiiritang utas ko.

"What?" inosente niyang tanong



Lalo pa akong nairita dahil sa tono ng boses niya. Parang wala siyang ginawa kanina lang,  ah? Bakit naman ang bilis niya makalimot?




"What?! 'Wag mo akong ma what-what ha!" binatukan ko siya

"Edi ano?'tsaka ayoko nga,  ayoko ng bumawi ng mga salitang nasabi ko na! " kumindat siya 'tsaka siya lumabas ng room kung saan niya ako dinala.

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now