{CHAPTER 29}
Isang buong linggo na mula no'ng hindi nila ako pinapansin. Kaya naisipan ko silang ipagluluto, Saturday naman ngayon kaya okay lang. Sobrang aga ko nga nagising eh. Nilutuan ko sila ng pang breakfast.
Nilapag ko ang napritong itlog sa lamesa at narinig ko sila na pababa na. Nauna si Nash sa pagbaba at sa likod naman niya si Ryzen. Humikab sila pareho at kinusot ang mata.
"Good morning!" masigla kong sinabi.
Ang akala ko ay uupo na sila ay hindi pala, dumiretsyo sila sa kusina. Pinanood ko silang pareho na naglalagay ng gatas at oatmeal sa isang mangkok. Naupo sila sa dining table at doon nagsimula kumain. Pinanood ko sila sa pagkain hanggang sa natapos sila at agad tumayo.
Napangiti ako ng mapait," They didn't appreciate it, didn't they?" I whispered.
They started walking but they stop when they heard me sobbing.
"Why are you crying? " humakbang si Nash isang beses.
"Maybe it's true," Tinignan ko sila," I don't want to force myself to fit in where I do not b-belong"
Ganito kasi 'yong nararamdaman ko sa ilang araw na hindi nila ako pinapansin. They're making me feel unwanted sister. Mas bagay siguro ako sa isang apartment lang at sa isang kapatid.
Agad akong tumakbo sa kwarto ko at nilock 'to. Hindi ko alam kung bakit pero masyado akong nagiging iyakin.
"Isabella," kumatok sila sa pintuan ko pero hindi ako sumagot.
Napatakip ako sa bunganga ko dahil ayaw nila akong marinig na humihikbi. Nagtungo ako sa pintuan at narinig ko silang nagsisisihan.
Pinunasan ko ang pisngi ko.
"This is your fault, Nashiel!"
"Pa'anong naging ako? Eh diba nga ikaw 'yong may plano neto?"
Bago pa sila magsuntukan ay binuksan ko na ang pintuan, nakita ko ang paglambot ng kanilang mga mata ng makita ako. Naglakad ako palayo sakanila.
"Where do you think you're going, young lady?" ani Ryzen.
"Somewhere? Someone? " nagkibit ako ng balikat.
"Isabella, "
"Don't follow me." matigas kong sinabi.
If they wanted to get rid of me, fine then. Umiyak akong lumabas sa bahay, wala akong alam kung saan ako pupunta. Basta dinala na lang ako ng mga paa ko sa garden of flowers. Kitang kita ko 'yong bahay kung galing sa entrance. We used to date before.
"Hello Kuya,Jasper? " panimula ko, " Can...... C-can you fetch me? Garden of flowers. Thanks"
Gusto ko kasi muna magpalipas ng oras sa condo niya. Ayoko muna umuwi, ayoko din makita sila Nash at Ryzen. Mas lalo lang akong maasar. At mas lalong ayokong mag-stay dito, naalala ko lang si Matteo.
"Don't talk to me." sambit ko kay kuya pagkarating niya.
Natunganga ako ng makita ko ang isang building na may naka paskil na 'Villafuente'. So ang ibig sabihin ay kay papa 'to? Damn, mas lalo lang akong nakaramdam na hindi ako nararapat maging isang Villafuente. Sobrang hirap mag-adjust sa marangyang buhay.
Sinundan ko si kuya na naunang naglakad sakin.
"If you want, pwede kang kumuha ng ibang room. "He said.
"Nah. Ayoko."
"If you say so " aniya
May kinuha siyang card at agad in-scan sa pintuan. Pagkapasok ko ay agad akong namangha.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...