Chapter 40

9 2 0
                                    

WARNING: SPG as in spg talaga hehe

{CHAPTER 40}

Sinalubong ko ang matatalim na titig ni Izan. Nakasandal siya sa sasakyan niya at halata sa muka niya ang inip at irita.

"Get in." aniya sabay bukas sa sasakyan niya.

He's angry. I can sense it. Pumasok na ako para hindi na madagdagan ang galit niya.

"I'm sorry-"

"Bakit ka nandiyan sa bahay nila? Why are you there,  Bella? Akala ko ba busy ka? Tapos malalaman ko na lang na pumunta ka dito? Teka unang una sa lahat, bakit hindi mo sakin sinabi?" malamig na sabi niya sakin.

"I'm sorry-"

"Bakit ka nagsinungaling?  Ayaw mo ba sakin? Bakit? Mas gusto mo yang Austin nayan?" tuloy niya sa sasabihin niya

"I'm sorry-"

"Gwapo naman ako a? Mas gwapo pa nga ako kaysa sa Austin mo eh." nakasalubong ang kilay na sabi niya.

Nilagay ko ang kamay ko sa baba ng aking dib dib at tumingin lang sakanya.

"Ano ba, Bella! I need explanations tapos tatahimik ka lang diyan? Damn. Binabaliw mo pa ako? Kung ganon gumagana " sarkastikong aniya.

"Ano hindi? Kanina mo pa ako ine interrupt. Nag sosorry ako pero pinuputol mo? Seriously,  what's wrong with you?" naiinis kong sabi

"Ikaw ba 'tong ganyan, ikaw na nga may kasalanan eh! " asik niya sakin. "Kanina pa kita hinahanap. I'm planning to help what you are doing. Pero ito? No way" hinarap niya ang kalsada " I'm afraid baka mas matimbang na 'yang lalaking yan sakin! Baka nung umalis ako nahuhulog na 'yong loob mo sakanya. Baka mahal mo na siya. I don't know what in your mind, Bella. " Suminghap siya sabay tingin sakin " But I don't care if you love him. Hindi parin kita papakawalan. For me,  you're mine. Kahit tayo o hindi. Kahit sinagot mo ako o hindi. I don't care. " gumalaw ang panga nito naparnag nag titimpi ng galit.

Pero kahit na ganon ay kinilig ako sa sinabi niya. Ganito ang epekto sakin ng isang Dominguez. Omygod.

"Pero ano ba karapatan ko na angkinin ka hindi ba? Wala namang tayo. Hindi mo pa ako sinasagot -"

"I love you,  Izan " kinagat ko ang pangibabang labi ko.

Tinignan ko ang reaksyon niya. Napamulat siya ng mata na parang gulat na gulat.

"Come again,  babe? " nakikiusap na sambit niya

"Nasabi ko na kaya hindi ko na sasabihin pa. " nang-aasar kong sinabi.

He bit his lower lip, lumapit siya sakin sabay hinalikan ako. Napapikit ako habang dinadama 'yong bawat paghalik niya sakin.

"Does it mean?" Napamulat ako ng mata

Tumango ako bilang sagot, "Yes"

Malulutong na mura ang nasabi niya. "Really? Shit! "

Tumawa lang ako sa reaksyon niya. Is he really that happy? Sinuntok pa niya ang hangin. Napailing ako, natatawa na din ako sa reaksyon niya. Parang nawala 'yong selos na bumabalot sa puso niya kanina. Puno ng saya 'yong mga mata niya habang tumitingin sakin.

"Hindi pa rin ako makapaniwala! I can now call you mine!" he slightly shouted

Umandar ang sasakyan niya. Hindi padin nawala 'yong ngiti sa labi niya. Pinagsaklop niya ang mga kamay namin, paminsan minsan ay hinahalikan niya ito. Dumiretsyo kami sa bahay nila.

"Bella, it's nice to see you again, sweety" salubong samin ni mommy ni Izan.

Kinakabahan ako habang tinitignan ang carbon copy ni Izan,ang daddy niya. Inilahad ko ang kamay kong nanginginig. Paano pag hindi niya ako gusto? Imbis na makipag kamay siya sakin ay niyakap niya ako.

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now