Chapter 24

21 1 0
                                    

{CHAPTER 24}

Ang bilis talaga ng oras kapag hindi mo hinihintay. Kapag naman hinihintay mo ay ang tagal. Siguro ganon lang talaga, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo dahil sa ganitong sitwasyon.

"Hoy, ano?  Tara na?" tanong sakin ni Alyssa

Bibili kasi sana kami ngayon ng regalo para kay Matteo. Mag papa- party kasi siya sa bahay nila kasi pinilit ko na gawin na ituloy 'yong nakasanayan ng schoolmates namin. 'Tsaka isa pa ayoko naman na dahil sakin ay ipapatigil na lang niya 'yon.

"Anong bibilhin mo?" tanong niya ulit

Nagkibit balikat lang ako at tinignan 'yong bintana ng sasakyan ni Alexis. Nasa iisang sasakyan lang kasi kami nila Alyssa. Ano nga ba yung bibilhin ko para sakanya? Siguro ay jacket o relo nalang. Kahit ngayong huling araw lang namin ay bibigyan ko siya ng regalo.

"May problema ba? " lumapit sakin si Alexis pagkababa namin ng sasakyan niya.

"I'm fine"

"Stop lying, tingin mo ba hindi ko alam na may problema ka?"

"Ah? Ano tara na baka magkaka-hiwahiwalay pa tayo " turo ko kila Tristan at Alyssa na medyo malayo layo na samin.

Napakagat labi ako ng nalagpasan ko na si Alexis. Too much question.

"Kain muna tayo!" sigaw ni Alyssa pagka labas namin sa isang store.

Pinagtinginan kami ng mga tao, yong iba ay nag bulungan pa.

"Shhh,  Alyssa " saway sakanya ni Tristan.

Pumunta kami sa isang grill restaurant. As usual kami 'yong naghanap ng upuan at sila naman 'yong um-order. Nagtilian pa 'yong mga taong hindi nakakakilala samin, or should I say sila Tristan at Alexis. Pa'no nalang kapag nandito si Matteo? Siguro magkakagulo na silang lahat.

"So what your problem?" Kunot noong tanong ni Alyssa.

"Ha? Wala!" giit ko ulit

"You can't fool me"

"A-Alyssa "

Kahit na nakaupo ako ay parang nanginig 'yong tuhod ko dahil sa mga mata niya na mapagmatyag.

"Ano nga?"

Ganon na ba talaga ka obvious yung dinadala kong problema at parang lahat sila ay alam? Mabuti na lang pala at wala ngayon si Matteo kung hindi baka pati siya ay tatanungin din ako.

"Alyssa, Matteo's brother is.... s-sick"

"Matthew? " singit ni Alexis

Nagulat ako dahil nasa likod ko na pala sila. Seryoso silang nakatingin sakin na para bang may nagawa akong napakalaking kasalanan.

"Why what happened?" tanong ni Tristan

Kinwento ko sakanila 'yong sinabi sakin ng principal. Gaya ko noon ay hindi din sila naka pagsalita at nanahimik lang.

"Oh shit. "

"Ano plano mo?"

"Bella, don't tell me ngayon mo siya iiwan? Birthday niya ngayon for pete's sake!" Alyssa said

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Masyado ko yatang sinulit yung araw na magkasama pa kami. Hindi ko din namalayan na nasobrahan na pala.

Tumikhim si Alexis sabay tingin sakin ng seryoso " What's your plan?"

"Hindi ko alam ang gagawin ko " nagugulahan kong sinabi.

Nilapitan ako ni Alyssa 'tsaka niya ako niyakap. Alam ko na alam niya na nahihirapan na akong mag desisyon.

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now