{CHAPTER 39}
Nakikita ko parin si Bethany pero umiwas na siya sakin. Palagi na siyang mag-isa. Pero minsan nakikita ko siyang tumatawa kasama 'yong kaibigan niya. Pero sa tuwing makikita niya ako ay mapapawi 'yon.
Gusto ko sanang mag-usap sila ni Izan pero sabi niya lang na ayaw na niyang paasahin pa si Bethany.
Malapit na din ang graduation namin. Konting kembot nalang talaga. Nakapagtake na ako ng finals at puro pag p-practice lang para sa graduation namin ang ginagawa.
Palagi din akong ginagatungan ni Izan ng bulaklak. We should take things slow kasi masyado kaming padalos dalos no'n. Everything. Siguro noon kaya ko siya madaling minahal kasi gusto kong maranasan kung paano pa mainlove. Kung paano ba 'yong may relationship. How does having a relationship feels? Masyado pa kaming bata no'n. It's just puppy love. Pero ngayon ramdam ko na talaga 'yong pag mamahal sakin ni Izan. Pagmamahal na gustong gusto kong maranasan. It's his love I want.
Gaya ko ay may ipapahandle din sakanya ng mommy at daddy niya na company. Kaya sa sumunod na araw ay naging busy kami pareho. Tini-train na kasi ako nila kuya kung paano ba mag handle kahit napag -aralan ko naman 'to.
"I know missy. Gusto ko lang na mahandle mo 'yon ng tama. Matagal na 'yong gustong ibigay ni papa sayo" yan lang ang lagi niyang sinasabi tuwing nagrereklamo ako.
Sa wakas ay graduate na ako. Sobrang saya sa feeling. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Graduate na ako, makaka pag trabaho na ako.
Nandito sila mama at papa para sa graduation ko. Nakita ko 'yong tuwa sa muka ni mama nang lapitan niya ako at yakapin.
Nangingilid ang luha niyang tumingin sakin, " Congratulations, Isabella." ani mama sabay halik pisngi ko.
Wala si Lola dahil bumalik na siya sa China. Pero babalik pa din naman daw. Nagpadala siya ng sandamakmak na regalo kagabi. Napangiti ako dahil inaalala niya ako kahit iba ang mama ko kila Nashiel.
Katabi ko si Nashiel na kakagraduate lang din.
"Congratulations, missy. " ani Ryzen sabay bigay nila sakin ng kumpol ng rose
"Congrats Bella! " nangingilid ang luha ni Alyssa ng sinabi niya ito.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.
"Umuwi na siya." utas ni Ryzen.
"I know! I'm not looking for him okay? I'm looking for kuya Jasper. " naiinis kong sabi.
Alam ko na umuwi na siya. Paano ba naman kasi kanina pa maraming nagpapapicture sakanya.
Nasan ba kasi 'yong isang 'yon. Dumating siya kasama ang pamilyar tindig ng isang lalaki. Si Alexis. Halos mapasigaw ako ng naaninag ko 'yong muka niya. Imbis na kay kuya Jasper ako yumakap, dumiretsyo ako kay Alexis, kami ni Alyssa "
"Oh my god! Kelan ka pa dumating?" tanong ni Alyssa sakanya.
"Kanina lang. I don't wanna miss your graduation " baling niya sakin.
Ngumiti lang ako sakanya, bumaling naman ako kay kuya Jasper na nakabusangot.
Tinignan ko din siya ng may pagtatampo, "Di ka nanood, kuya. " I said.
"I'm sorry. It's about my pregnant wife, she want a guava without seeds. Kapag naman tinanggal ko maiinis siya sakin. Gusto daw niya ng bayabas na dating wala na talagang buto. Tell me, saan ako bibili non? " nafrufrustate niyang sinabi.
Napatawa nalang ako at napatingin sakanya. What? Namilog ang mata namin sa sinabi niya.
"Really kuya?! Omygoshh! Congrats! "
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...