{CHAPTER 3}
Pangalawang Patay ko na yata to ng alarm ko. Hindi kasi ako masyadong naka tulog kagabi. Pagtingin ko sa wall clock ay 5:45 AM na pala.
Bakit pa late ng pa late yung gising ko? Baka mamaya 7 na huhu. Ayoko pa naman malate ang dami pang aakyatin. 'Tsaka baka madapa lang ako kung bilisan ko 'yong pag lalakad Late na kasi ako natulog kagabi. Dahil sa kakaisip ko sa lalaking tumutugtog ng piano kahapon sa music room ng school. Naisip ko na Baka si Matteo Pero nakita ko kahapon, guitara yung hawak niya. Bakit ko nga ba sila iniisip?
"Baby gising ka na ba?"ani kuya Jasper.
Baby kasi yung tawag niya sakin simula palang. Minsan din si Alyssa.
"Opo kuya mag aayos lang ako tapos baba na."sagot ko sakanya.
Binuksan niya ang pintuan pero hindi siya pumasok.
"Sige nagluto na ako ng breakfast mo. Tawagin mo nalang ako sa kwarto ko kung ready kana. May aayusin kasi akong importante"
Ang sweet naman. Haha
" Ang Panget mo sige na mag Ayos kana nga"dagdag niya sabay ngisi sakin.
Okay binabawi ko na. Umagang - umaga gusto kong manapak! Pagkatapos ko mag Ayos at kumain ay umakyat na ako Para tawagin. si kuya. Naabutan ko siya na may kausap sa phone niya. He's talking in a sweet voice.
"I'm so sorry, Cathie, nakatulog kasi ako kagabi kaya hindi na ako nakareply "
Ate Cathie is his girl. She is first year college. Same school din kami Pero sa ibang building sila ni kuya. Actually mag ka iba kasi yung kurso nila.
"Nagpractice para sa tugtog namin sa Saturday....... Oo.... Punta ka ba?..... Sige thanks..... Bawi nalang ako..... I'm sorry.... I miss you and I love you"
"I didn't mean to" cheesy naman nila hahaha
Nakarating kami sa school ng 6:50 na. Naging tahimik 'yong byahe namin kanina, hindi ko din ako ng bukas ng topic namin. Alam ko naman kasi na may problema sila ni ate Cath. 10 minutes nalang mag sisimula na ang klase namin. Kaya pumunta na ako sa classroom namin. Ayoko na na malate no nakakahiya kaya.
Naabutan ko don si Alyssa na nakatingin sa bintana habang tulala.
"Goodmorning" bati ko Pero hindi niya ako pinansin at umiling na lang.
Ano kaya problema neto? Tinapik -tapik ko pa 'yong balikat niya hanggang bumaling siya sakin. Isang ngiti lang ang pinakita niya sakin.
"What happened? " Kunot noo kong tanong. Umiling lang siya pero halata parin 'yong matamlay niyang mga mata.
Nang natapos ang klase kay Mr. Manangan ay may pumasok na isang lalaki. Sa tingin ko ay Ito yung ssg president. Pero sa section B siya.
"Ma'am may I excuse Ms. Ramos and Mr. Dominguez? "
"Bakit?" tanong ni ma'am
What????
"Pinapatawag po sila sa Principal 's office" Dagdag niya.
Tumango naman yung teacher namin.Bakit? Wala naman akong ginawang kasalanan ah? Pero Baka may sasabihin lang or something?
Paglabas namin sa classroom ay hindi ko maiwasan na mag tanong sa ssg pres. Pero ang sagot niya ay hindi niya daw alam. Kinakabahan akong pumasok sa office ng Principal. Pinaupo kami malapit sa mesa niya. I should relax dahil alam ko sa sarili ko na wala akong nagawang kasalanan.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...