{CHAPTER 30}
"Our vacation will end very soon, pero hindi mo parin ako pinapasyal. " utas ni Austin sa tabi ko.
Palagi na lang 'yan ang sinasabi niya. Minsan nga ay naiirita ako pero hindi ko nalang pinapahalata.
"Hey," Kalabit niya sakin.
Ngayon ko lang na-realize kung gaano kahirap 'yong college. Lalo na ngayon at nasa 1st sem na ako ng pag titig-third year. Ganon din si Nashiel. Si Kuya Jasper at Ryzen ay tapos na, kaya kami nalang ni Nash ang nasa college. Paminsan nga ay pumupunta sila sa sa ibang bansa para bisitahin 'yong ibang pinapahawak ni papa na company.
Suminghap ako,"Sa sobrang tagal mo sa Manila wala ka paring alam na lugar na pwede pasyalan? " kunot noong tanong ko.
"Come on, Bella, Sobrang boring kaya kung dito ka lang sa bahay niyo palagi. "
Umiling ako. Pinayagan na kasi nila kuya si Austin na manligaw sakin, kaya halos palagi siyang nandito. Kahit na hindi ako pumayag ay pinipilit nila sakin si Austin. Hindi ko nga alam kung bakit biglaan 'yong pagpayag nilang 'yon.
"No."
"What are you gonna do now, Bella? Humiga, kumain, matulog-"
"Magbasa"
Nakialam siya sa gamit ko,"Dalawa lang 'yong pareho subject? "
Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad ako papasok sa skwelahan para sa unang araw ng eskwela. Hinatid ako ni Nashiel, pero dahil magkaiba kami ng first subject ay nagkahiwalay din kami ng daanan. May susunduin pa siyang girlfriend o ka-fling. Ano bang bago? Araw araw yata siyang nagpapalit ng babae na parang damit lang eh. You don't wanna get involved with him, trust me. Depende na lang kung gustong gusto mo talaga ng isang napaka playboy na lalaki.
Pumasok ako sa room namin. Nagkakagulo silang lahat, may nag kukwentuhan, sobrang ingay. God! I miss Alyssa.
"OMG! Isabella! " sigaw ni Bethany.
Kaklase ko pala siya sa first subject. Grabe nga siya eh kapag nag break sila ng boyfriend niya ay sasabihin niya na mahal na mahal daw niya si Matteo.
Gaya ni Bethany at Austin ay dito na din nag aral sila Triah. Pero si Alexis ay umalis na, kailangan daw nila mag punta sa America dahil nando'n na lahat ng family nila.
Kumaway lang ako sakanya. Pinili kong maupo sa ikatlong row, sa harap ni Bethany. Pumasok na din ang iba naming mga kaklase.
"You know what? Nakauwi na si Matteo, the love of my life!!"
Hindi na ako nakasagot dahil may mga nagtilian ng may pumasok na isang anghel. Laglag panga ko siyang tinitignan habang naglalakad.
"KYAHH" sigaw nila
Mas lalo siyang tumangkad, halata din ang perfect angle ng kanyang panga, dati naman pero mas nahubog lang ngayon. Mas lalo pa yatang na developed ang pangangatawan niya dahil may laman na ang katawan niya. Nando'n padin ang magulo niyang buhok, ang mapupula niyang labi. Kuminang din ang earrings niya.
"MATTEO!"
"MY BABY!" sigaw ni Bethany sa likod ko 'tsaka siya tumakbo at agad niyakap si Matteo.
Tinanggal naman agad ni Matteo ang mga kamay ni Bethany.
Pinasadahan ni Matteo gamit ang mapupungay niyang mata ang buong classroom. Sa kasamaang palad ay sakin dumapo ang mga titig niya. Nagsimula ulit gumalaw ang mga kulisap sa tiyan ko.
Naunang naglakad si Beth papunta sa inuupuan niya kanina. Sumunod sakanya si Matteo. I was expecting Matteo would say "No choice" pero kahit ni isang reklamo ay wala man lang akong narinig.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...