{CHAPTER 27}
Dalawang araw na mula no'ng nalaman namin na nawawala si Alyssa. Sa ilang araw na din na 'yon ay wala si Ryzen, hindi ko nga alam kung saan nagpupunta 'yon. Pero ang sabi naman ni Nash ay baka nasa condo lang niya.
Lutang akong pumasok sa classroom namin, wala din akong gana para makinig. Gusto ko man tumulong sa paghahanap sakanila ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Tinapik ako ni Nash, " He found her"
"What? " I said
"Si Alyssa "
Napatayo ako dahil sa narinig ko. Napatingin silang lahat sakin at nagbulongan ulit.
"Let's go!" sabi ko at dumiretsyo palabas ng classroom kahit nag sasalita pa si Mr. Manangan.
Oh, well. Alyssa is more important than this one.
"Bella! " sigaw ni Nash sa likod ko.
"Come on! Bilisan mo!" I shouted
Dumiretsyo ako sa parking lot at agad pumunta kung saan nag park si Nash kanina. Siya kasi 'yong naghahatid sakin mula no'ng hindi umuuwi si Ryzen.
"Bilis na!"
"Nasa'n ba sila?" tanong sakin ni Nash.
Agad tumaas ang dugo ko sa ulo at agad ko siyang binatukan.
"Kahit kailan talaga, Nashiel! Ang gago mo naman " inis kong sabi
"Hey, hey! Watch your word, missy"
"Bakit? May sinehan ba na ang palabas ay mga salita?"
We continued arguing, syempre hindi ako magpapatalo. Hanggang sa napagod na lang kami at sinubukang pakalmahin 'yong sarili.
"Sino ba 'yong nagsabi sayo na nahanap na siya?"
"His father?"
Sa mga nakaraang araw kasi ay bumibisita kami sa bahay nila Alyssa. Para na rin malaman namin kung nahanap na ba siya o hindi pa. I even stayed in her room in one day crying. Sobrang akong nag sisi kung bakit ako nagsaya noon at hindi ko man lang alam na nawawala na pala siya.
"You should call him, then " nanliit ang mata ko dahil alam ko na ayaw niya.
"Why not you instead "
Tinignan ko siya sa iritasyon,"Wala kang-"
"Okay, okay! " marahan niyang sabi sabay irap sa'kin.
Nagtipa siya sa cellphone niya, "Hello Mr. Amelio...... What?..... Okay po..... Bye"
Tinignan niya ako gamit ang kinakabahan niyang muka.
Tinaas ko ang kilay ko.
"They're in the hospital "
Nagulat ako sa sinabi niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. What is she doing in the hospital?
Agad niyang pinaharurot 'yong kotse niya. Pagdating namin do'n ay agad kaming nagtanong kung saan 'yong room niya. Tinanong din nila kung ka-ano ano kami ng pasyente.
"Kaibigan niya po kami "
Agad nilang sinabi kung nasaan si Alyssa, nilipat na daw siya sa isang private room. Pero 'yong kasama niya na hindi pa namin kilala ay nasa operating room.
"Alyssa, oh, thank God your okay!"
Damn this girl, kung saan-saan kasi siya nag susuot eh. May mga galos siya at mga pasa. Kahit na ganon ay nakakangiti parin siya.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomansaLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...