{CHAPTER 20}
I don't want to look so desperate but I will take all my chance for Matteo to believe me.
"What the hell?" tanong ni Alyssa "Bakit sila nandito? Bakit sila magkatabi ni Matteo? " tanong niya ulit "Teka nga what the hell happened? " nagugulahan siya.
"Alyssa," naiiyak kong sinabi.
"They are fucking giving me headache damn!" aniya sabay hilot ng kaniyang sentido.
Naguguluhan niya akong tinignan. Hindi niya kaya alam 'yong nangyari kahapon? Hindi niya ba nakita 'yong picture ko with Rafael?
Hindi siya sumagot at dumiretsyo siya sa upuan nila Matteo.
"Hoy, kayong dalawa bat ganyan 'yong mga style niyo?"
Naguguluhan nilang tinignan si Alyssa
"May gana pa kayong mag landian sa harap niya?" turo niya sakin.
Kinagat ko 'yong pang ibabang labi ko. Wala nga siyang alam, hindi niya alam 'yong tungkol sa picture ko.
"Bakit hindi mo tanungin 'yong magaling mong kaibigan?" sarkastikong sabi ni Anna
"Ano bang sinasabi mo?!" nangangalaiting sigaw ni Alyssa
Pinagtitinginan nila si Anna at Alyssa. Tinignan ko si Matteo na tahimik lang sa tabi ni Anna. Naninikip 'yong dibdib ko. Hindi ko sila pinansin at yumoko nalang ako. Hindi sila natuloy sa away nila dahil dumating si Mr Manangan.
" Okay class, please distribute this invitations, from Matteo " sabi niya
Anong ganap? Bakit may invitation? Naguguluhan ko itong tinanggap. Tatanungin ko sana 'yong nasa harap ko pero baka hindi niya ako sagutin.
"Matteo's birthday? " tanong ni Alyssa na nasa tabi ko.
Tinignan ko si Alexis na nasa likod ko naman
"Every year siya nag iinvite " sabi niya "This next Saturday na 'yon pupunta ka ba?" tanong niya.
Nagkibit balikat nalang ako.
Pupunta ba ako o hindi? Pero ano naman 'yong ireregalo ko sakanya? Halos lahat nga yata ay nasa kanya na, e. Hindi ko pa alam na malapit na pala 'yong birthday niya, October 29. Wala naman kasi siyang nasasabi sakin.
"Pero kung every year siya nag iinvite, bakit nasabi ni Mr. Manangan na transferee siya no'ng first day of class? Tapos may iba pa na nag tatanong sakanya kung ano ba 'yong mga hilig niya o ano? " tuloy tuloy kong tanong.
"You have so many questions! "
Tinignan ko siya
Nakakapagtaka lang kung bakit.
"Class dismiss. Happy lunch" sabi ng last teacher namin.
"Sabay na tayo? " Kalabit sakin ni Alexis " I have to tell you something " aniya
"Ano 'yon? "
"Later" umirap siya sakin.
Kalalaking tao umiirap. Natawa ako dahil sa ginawa niya. Syempre sinong hindi matutuwa do'n eh umirap kaya siya. Akala ko nga mga babae lang 'yong umiirap eh.
"Sa'n niyo gusto? Cafeteria or Mcdo? " Alexis asked.
"Kahit saan" ngingiting sinabi ni Alyssa.
Pumunta na kami sa parking lot. Naguguluhan ako sa sasabihin ni Alexis. Ano kaya 'yon?
"You don't want me to join you guys? What the hell? Kanina ko pa kayo hinahanap nandito lang pala kayo!" hinihingal na sabi ni Tristan. Pinasadahan niya kami ng tingin " Seriously? "
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...