{CHAPTER 37}
Gano'n padin ang routine kinaumagahan. Nariyan palagi si Austin na bubwisitin ako sa pambubusina niya. Sa araw araw niyang pagsundo sakin ay bubwisitin niya ako sa ganon paraan. Pero babawi siya sa panlilibre ng cupcake.
"I should probably buy my own car "
'Yon ang iniisip ko araw araw. Kung ayaw nila papa then I should do it on my own. Wala naman na siguro silang magagawa kapag nandiyan na.
"Why? Ayaw mo na ba na sinusundo kita?" kunot noo niyang tanong.
"Hindi. Nauumay na kasi ako sa muka mo"
Nalukot ang muka niya sa sinabi ko.
I laughed " I'm just kidding. Ayoko lang na abalahin ka sa pagsundo sakin. I know it's hard kasi alam kong busy ka. Tsaka gusto ko din maranasan 'yong may sarili kang kotse. Ayoko na maabala ka pa dahil sa kakasundo sakin"
"I'm doing this because I love you. Hindi naman kita pwedeng hayaan na mag commute. "aniya
"Aus-" pinutol niya ang sinabi ko
"Hep. Don't say anything " he smirked
Tumikhim ako sabay tingin sakanya.
"May driver naman na pinadala si papa. I just didn't know, bakit pa kelangan niya mag hire ng driver kung pwede naman niya akong turuan. Hindi ba? It doesn't make sense" pang iiba ko sa usapan.
Pupuwede naman siguro 'yon para hindi na siya gumastos pa. Wala pa akong driver's license. Pero kapag meron na akong kotse ay pag-aaralan ko 'to ng mabuti.
"Your father want you to be safe."
"I know."
Magkaiba kami ng pinasukang classroom ni Austin. Tahimik lang ako habang nagd-discuss ang terror teacher namin. Tahimik ang loob ng classroom. Walang gustong umimik at magsalita. Sa tingin ko nga maging ang paghinga ay iniiwasan nilang lakasan.
Habang nagsusulat sa board ang teacher namin ay pumasok ng walang paalam ang walang modong si Izan. Tumabi siya sakin kaya agad akong tumalikod.
"Hmm. What a sudden change of attitude. " he said trying to get my attention. "Miss na miss na kita. I miss everything of you. Your face, your lips."
Miss mo pala ako eh di sana noon mo pa akon nilapitan. Naiinis ako pero hindi ko 'yon pinakita. Nagsusulat ako sa notebook ko kahit hindi naman kailangan. Sudden change of attitude? siya nga kakasabi lang na mahal niya ako pero umalis siya agad para sa ibang babae.
"Hey. Pansinin mo naman ako " aniya sabay pisil sa pisngi ko.
Hindi ko siya pinansin, bahala siyang manigas sa kinauupuan niya. Kiniliti niya ako sa bewang. Nagbigay 'yon ng kakaibang pakiramdam.
"Ano ba?" mahinahong sabi ko.
Stay calm, Bella. Kahit na namimiss ko ang pag pisil niya sa pisngi ko. Naramdaman ko ang init ng pisngi ko. Hindi ko siya binalingan kahit andami niyang sinasabi. Deretsyo lang ang tingin ko sa white board. Kahit hindi ko na naiintindihan pa ang mga nadidiscuss. Na din-distract ako sa mga titig ni Izan.
Naglakad na ako papunta sa covered walk para hintayin si Austin. Dito ko siya laging hinihintay. Naisipan ko din na sa bahay na lang gawin ang pinapagawa nila, ang mga stressful na paperwork.
Hinawakan ni Izan ang palapulsuhan ko at pinilit isakay sa kotse niya. Bubuksan ko sana 'to pero naka lock. Umikot siya papunta sa driver seat. Naka max ang aircon ng kotse niya kaya nilalamig akong tinignan niya. Padabog kong hinampas ang pinto ng sasakyan niya.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...