Chapter 10

16 1 0
                                    

{CHAPTER 10}


Papunta na ako sa sakayan ng taxi ngayon. Kasi nga may pasok ayaw ko ng malate. Si Alyssa naman nasa probinsiya na siguro. Tsaka si kuya hindi ko na mahagilap yung pagmumuka niya sa apartment. Ewan ko ba don mas gusto niya pa yung nakikitulog sa iba. Ah bahala siya.

"Manong Adam University po" Binigay ko na yung bayad.

"Uh look who's here" mataray na sabi ni Kym. "Who's that?" aniya sabay turo sa driver ng taxi. Ano kayang problema nito?

Lalagpasan ko na sana pero hinila niya yung braso ko tapos pinaharap sakanya. Sa totoo lang ayoko makipag away eh.

"Wag mo akong tinatalikuran pag kinakausap kita" nang gigil na sabi niya.

"Hmm?" matamlay Kong sagot sakanya. Hay gusto ko na lang pumasok.

"Alam mo ba na hindi bagay sayo yung katulad mo dito sa school lalong lalo na kay Matteo? "

"Eh? Sino ka para mag desisyon? "

"Dahil isa ka lang mahirap " sabi nung isang alipores niya.

Tinaas niya yung isang kilay niya. Ni head to foot ko siya, she's wearing expensive clothes. What do I expect dito sila nag-aaral of course they are rich. Pero mukang hindi original yung kilay, siguro kaonting tubig lang ay mabubura na 'yon pero depende na lang 'yon kung waterproof 'yong pang kilay niya.



"Aminado naman ako doon eh. Anong problema mo kung mahirap lang ako?" nanggigil na din ako eh.

"Kaya nga hindi ka bagay dito dahil mahirap ka lang"

"Ikaw nga mayaman ang pangit naman ng ugali mo "nginisian ko nalang. Muka naman siyang naiinis.

"How dare you?!" sigaw niya sakin. Sabay taas ng isang kilay niya.

"Ang pangit mo na nga, tapos ang pangit pa ng ugali mo, pangit na lahat sayo magtataray ka pa. Paano na yan? Baka wala ka ng patutunguhan niyan " kinindatan ko siya.

Sige lang mainis lang kayo sakin. Wala naman akong pake alam sainyo. You're making fun of me because I'm not rich as you, I'll make fun of you're physical appearance,then. As easy as that. Hindi ko na sana sila papatulan o insultuhin pero nakaka insulto kasi sila!

"Damn you," sigaw niya sakin.

Nabigla ako dahil sinabunutan nila akong apat. Oo apat sila pati na rin si Kym. Nakalmot nila yung braso ko tapos napunit pa yung damit ko. Hindi ko alam na war freak pala sila, hindi ko din alam na kaya nilang patulan mag-isa 'yong tao laban sa kanilang apat! I can't believe it! Kung gusto nila ng away bakit sa ganitong sitwasyon pa?

Where's Alyssa when I need her? Nag vi video na rin yung iba na nakakakita. Yung iba tumutulong na rin sakanila. Pinagbabato pa ako ng mga bagay bagay. What the hell is wrong with them. Ayoko na baka ma P.O.D pa kami.

Someone help me please.

"Stop it!!" ani ng isang lalaki na hindi ko alam kung kanino nang galing.


Nakahandusay na ako sa Lupa ngayon. Hinang hina na ko. Dumudugo na rin yung braso ko dahil sa kalmot nila.

Binuhat niya ako at pinunta sa clinic. Wala 'yong nurse pagdating namin kaya siya 'yong kumuha ng bulak at iba pang gamot.

"Aray " reklamo ko ng pinunasan niya yung braso ko.

"Kung hindi mo na sana pinatulan hindi ka mag kakaroon ng sugat na ganto" sermon niya.

"Nang gigigil ako eh" sabi ko. " By the way, sino ka pala?"

"Hindi ba pwedeng mag thank you ka muna bago mo alamin yung pangalan ko?" masungit niyang sabi.

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now