{CHAPTER 14}
Wala masyadong nanonood samin ng nag laro kami. Sa tingin ko ay nasa court sila nanonood ng game nila Izan. Gusto ko din sana manood ang kaso may game din kami, ayoko din naman na biguin si Mr. Manangan.
Lamang kami ng ilang points kaya sa tingin ko ay mananalo na kami dito. Gusto ko na manood ng game nila! Sana umabot pa kami kahit sa last quarter lang. Ngayon lang ako makakapanood ng game niya e.
Isang points nalang ay panalo na kami kaya ng mapunta sakin 'yong shuttlecock ay agad ko itong in-smash para matapos na. Kaya nanalo kami. In-announce na kami yong nanalo kaya nagpunta kami kaagad sa court.
"Bilis!" hinila ako ni Alyssa.
"Sandali!!" sigaw ko
Naririnig ko na kaagad yung mga nag kikiskisang mga sapatos nila. Nahagip agad ng mga mata ko si Izan na nakayuko habang hawak-hawak 'yong tuhod niya. Sobrang pagod na siguro siya, pawis na pawis na din kasi yong jersey niya. May mga iba pa na may hawak ng banner at pompoms. Sila siguro yong mga cheerleaders. Nandoon din si Anna na humihiyaw ng " Go, Matteo! "
"Go, Matteo! Ahh! Ang hot mo!" sigaw ulit ni Anna.
Kasama din pala nila si Alexis. Suminghap ako habang pinapanood sila mas lamang kasi 'yong sa kabila ng 2 points. Hanggang sa humingi 'yong coach nila ng break kaya pumunta sila sa isang bench para maka usap nila sila Matteo. Pinasok nila ulit si Matteo, last quarter na din kasi kaya siguro kakailanganin na nila ng mga matatangkad.
"Your Matteo look so tired" kabig niya sakin.
"Shut up " uminit 'yong pisngi ko.
Nagsimula na ang game at nasa kabila 'yong bola. Napatayo ako ng nasiko nila si Matteo kaya sinabi ng referee na foul, ito kasi ang lagi nilang binabantayan. Hindi ko lang alam kung dahil ba siya 'yong laging nakaka shoot o nanandya lang sila. Kaya pumunta si Matteo sa free throw.
"Goooooo, Matteo!" sigaw ko sakanya
Tinignan niya ako sabay shoot ng bola. Pasok yon kaya nagsigawan yong mga tao, mas lalo na yong sigaw ni Kym at Anna. Para silang nag papalakasan ng sigaw konti na lang siguro ay masisira na ang eardrums ng mga katabi nila. Bumuntong hininga ako saka tumingin ulit sa court.
May iilan pang nasiko sa mga kakampi nila Matteo kaya nagmurahan sila dahil hindi man lang napansin ng referee. What an usual basketball game fight! Kaya naman pala sila nanalo dahil dirty player sila. I wonder why? Maybe may galit sila kila Matteo dahil wala sumisigaw sa kabilang player?
"Dirty players! "
"Kawawa naman ang baby, Matt ko" bulong bulongan nila.
Baby? Napailing nalang ako dahil sa naisip ko. What an attention seekers! Kung gusto sana nila ng atensiyon edi dinala sana nila yung Mga magulang nila! Hindi ko sigurado kung ganon nga pero halata naman eh! Natapos ang game at nanalo sila Matteo? Nakipagkamayan pa sila sa kabilang player. Matalim na tinignan ng isa sa kanila si Matteo, iyong tingin niya ay parang mangangain na siya ng buhay.
Lumapit siya sakin "What's with you're face?" nagtataka kong tanong
"Lamang lang ng dalawa e" nakabusangot niyang sabi.
Nagtaas ako ng isang kilay" Buti nga panalo kayo e"
"Ikaw? Kamusta game mo? Sorry I really wanted to come....."
Nginitian ko siya para sabihing ayos lang.
" It's fine. Panalo din " sabi ko sabay tingin sa kanya na umiinom ng gatorade.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
Storie d'amoreLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...