Chapter 38

3 2 0
                                    

{CHAPTER 38}

Dumating ang araw ng contest ni Alyssa. Hindi ko magawang pumunta dahil sobrang busy ko ngayon. Malapit na akong grumaduate at kelangan ko ng magpasa.

Ni-dial ko ang number niya at agad naman niya itong sinagot.

"Is it okay if I can't come? Sorry sobrang busy ko kasi ngayon eh especially paper works, madami pa akong hindi natapos. Babawi nalang ako mamayang gabi?" sabi ko kay Alyssa

"It's okay! Basta, pumunta ka sa Craig District 8pm sharp" aniya

Pumunta ako sa balcony ng bahay namin. Nadama ko ang simoy ng hangin.

"Why so late?"

"Late? Duh alas otso lang ng gabi 'no!"

I shrugged," Okay,okay. I'll be there I promise "

Sinumulan ko ang paggawa sa activities ko. Humarap ako sa laptop at nagsimulang gawin 'yon. Stressful talaga dahil last semester na. Medyo excited lang ako sa graduation. Hinikayat din ako ni papa na pagkatapos ko mag-aral ay ako na ang mag hahandle ng isa niyang company.

Si Izan naman ay pinapabayaan ako na gawin ang projects ko. Hindi niya ako ginulo. Namimiss ko na siya pero hinding hindi ko 'yon sasabihin sakanya.

Tinawagan ko ulit si Alyssa," What should I wear?"

Natatangahan ako sa sarili ko dahil pati sa isusoot ko ay wala akong alam.

"Something sexy! " aniya rinig ko ang background music "I thought you called because you want to congratulate me" parang nagtatampong sabi niya.

"You won?"

"Yes,  Isabella Villafuente! Wait I'll call you back later! " aniya sabay pinatay ang tawag.

Pinili ko ang isang puting na tube top. Sinabi ni Austin na susunduin niya ako. Naisip ko si Izan, baka magselos pero naisip ko din na kung gusto sana niya ako ihatid dapat ay tinext niya ko, but he shouldn't. Kaya bahala na.

Pagkarating namin sa Craig District, pinagbuksan niya ako ng pintuan. Maingay at dim light ang sumalubong samin. Wala pa masyadong tao. Nahagilap ng mata ko si Alyssa na sumisipsip sa baso niya, kasama niya don 'yong ibang babae na siguro ay ininvite niya. Nando'n din si Lucy.  Sa kabilang table naman ang boys.

Palalim na ang gabi at nakita ko ang papasok na si Bethany kasama ang iba pang mga babae.

Tumabi sila saamin, "Hello! Congratulations! " aniya sabay beso kay Alyssa.

"Yeah thanks whatever you say." napapaos ang boses niyang sinabi.

Is she drunk? Napailing nalang ako ng nilagok niya ulit ang isang baso ng tequila. Sila Bethany naman ay nagsimula na ding uminom. Binigay sakin ni Alyssa ang isang baso.

"Just one shot?" she pleaded

I shrugged then I drink it bottoms up. Napapikit ako dahil sa pait ng lasa. I was in highschool the last time I drink alcohol.

Napadako ang tingin ko sa pintuan, niluwa no'n si Izan na naka polo shirt, nakatupi yon hanggang sa siko niya. Damn he is hot. Tumingin siya sakin, dumako ang tingin niya sa bandang dibdib ko. Umiling siya at naglakad papunta sa table ng boys. Naroon na rin sila Nash na may inaakbayang dalawang babae. Si Ryzen naman ay tahimik lang at tinitignan ang baso niya.

"Shot, shot, shot!" sigaw ng iba kay Alyssa.

Deretsyo niyang nilagok ang isang baso. Tumayo siya para pumunta sa dance floor. Tinignan ko si Izan,  maraming babae sa table na. Tinignan niya ako ng masama na para bang may ginawa akong masama.

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now