Chapter 36

4 2 0
                                    

{CHAPTER 36}

Ilang minuto kaming nagtagal sa ganon posisyon. Walang gustong magsalita samin. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Ang sarap sa ilong. Nakakaadik.

Napapikit ako bago marahas siyang tinulak. Hindi ako naniniwala na wala silang ginawang milagro. For pete's sake pumunta sila sa hotel!

"At bakit naman kita papaniwalaan na wala talaga kayong ginawa? " humihikbi kong sabi.

Ano ba ang ginagawa nila sa hotel. 'Yong pagkurot ni Izan sa ilong at pisngi ni Bethany. Ang paglalampungan nila sa hallway. Maging ang pagyayakapan nila. Paano na lang kapag wala ako baka mas malala pa don ang ginagawa nila. Hindi na uso ngayon ang mag bulagbulagan.

"We did nothing,okay? It's there business, sila ang may ari non. At nagpasama lang siya sakin kasi wala 'yong driver niya. Alam mo na sinundan mo kami non. You know wala akong ibang ginawa kundi ang mag paganda ng katawan para sayo. Pero pag balik ko iba na ang apeledo mo. May Austin kana damn sa ilang taon kong nawala anong malay ko baka may iba na kayong ginagawa. Lalo lang akong naghinala no'ng nakita ko kayo sa ganon posisyon kanina!"

"Damn you!" aalis na sana ako pero niyakap niya ako patalikod. "Ilang buwan mo akong pinagtabuyan, anong gusto mong gawin ko? Panoorin kayo habang nagsasaya, tapos ako? Iiyak sa isang gilid?" iniharap niya ako sakanya.

Umangat ang gilid ng labi niya na parang gustong gusto niya na nagseselos at nasasaktan ako.

Hinampas ko ulit ang dibdib niya. Ngumisi siya na parang asong nauulol. Isang asong hindi nakakasawang tignan dahil sa perpektong pagmumuka niya.

"I missed you. " aniya

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Uminit ang pisngi ko. Para bang may kung anong piyestahan sa loob ng tiyan ko at do'n nagsasaya ang mga balimbing na mga paruparo.

Hinapit niya ang bewang ko. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Tinignan ko ang mga labi niyang pulang pula. Kinagat niya ang kanyang mga labi habang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napalunok ako dahil gustong gusto ko siyang halikan.

"I love you so much. Mahal na mahal kita, kahit anong pagtaboy mo. Babalik at babalik padin ako sayo. "

Nilapit niya ang muka, siniil niya ako ng mainit na halik. Agresibo at sabik na sabik ang bawat halik niya sakin. Ramdam na ramdam ko 'yon sa pagdampi ng labi niya sakin.

Tinulak ko siya ng konti. Pareho kaming hinihingal. Niyakap ko siya at ako mismo ang humalik sakanya. Nakakalasing ang halik niya. Hinawakan niya ang batok ko para idiin pa ako sakanya. Dahil matangkad siya, nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya dahil ang mga binti ko nakakapit sa bewang niya.

Ang kaninang nalulusaw lang na galit ko ay nawala na. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Napapikit ako at dinama nalang ang mga nakakalasing niyang halik.

"What the -!"

Natigil kami sa paghahalikan dahil sa isang sigaw. Naaninag ko si Bethany na umiiyak. Nakita ko ang pulang pula niyang mga mata,maging ang ilong niya. Nanginginig siyang lumapit samin.

"How could you do this to me? Bella, akala ko ba kaibigan kita?" may bahid ng galit ang boses niya.

"Matteo," Mas lalong pumiyok ang boses niya.

Umiiyak siya pumihit para talikuran kami. Hinawakan ko sa braso si Izan. Pwede bang maging selfish muna at ipagdamot siya kahit ngayon lang?

Kusa kong tinanggal ang mga kamay ko ng yumuko siya.

"I'm sorry"sabi niya bago niya ako iniwan at habulin si Bethany.

"Izan!" sigaw ko habang may tumutulong luha sa pisngi ko.

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now