Chapter 25

17 2 0
                                    

{CHAPTER 25}

Habang wala pa si Kuya ay naisipan kong pumunta sa Buenavista. Sa totoo lang ay gusto ko maka langhap ng sariwang hangin mula sa probinsiya. 'Tsaka namimiss ko na din si mama.

Wala akong balak na sabihin kay Kuya, baka nga wala siyang pakealam eh. Mabuti na lang at maaga pa kaya panigurado na makakarating ako sa Buenavista mamayang hapon.

Binilisan ko ang pag-empake ng gamit, tatlong bus pa naman 'yong sasakyan ko para makarating do'n.

"Manong sa bus stop " sabi ko sa isang taxi driver

Mabuti nalang din at may naipon pa akong pera. 9 hours pa naman 'yong byahe. Sa una at pangalawang byahe ay gising na gising ako, tinitignan ko lang ang mga sasakyan na nagsisidaanan. Sa pangatlong byahe naman ay tulog ako. Pagkagising ko ay tanaw na tanaw ko ang malalaking talahib at mga palayan.

"Oh,  Isabella! Mabuti't nakadalaw ka dito!" masayang salubong sakin ng mga driver.

"Opo,  ngayon lang po nagka libreng oras" Kahit pa na may pasok kami bukas.

"Sakay na."

Pumasok ako sa tricycle niya at nagsimula nang bumyahe, tanaw na tanaw ko ang mga pananim nilang palay at iba't ibang punong kahoy. Sobrang sarap sa pakiramdam na makalanghap ng sariwang hangin.

Tumigil ang tricycle sa harap ng bahay namin. Nagbayad na ako at dumiretsyo na sa bahay. Sabik na sabik na akong mayakap si mama. Hindi ako kumatok at agad akong pumasok sa bahay. I want to surprise my mother in my own little way.

"I-Isabella " gulat na tanong ni mama.

May kasama siyang tatlong lalaki, yung isa ay medyo matanda siguro ay kaedad lang ng daddy ni Matteo. Tapos 'yong dalawa naman ay binata siguro ay ka edad lang ni kuya.

"You must be my sister!" sigaw ng isa sa binata sabay yakap sakin.

"Nash,"

"Mama! " sigaw ni kuya sa likod ko.

Anong sabi niya? Sister? Naguguluhan ko silang tinignan, lahat ng tingin nila ay na sakin.

"W-what?" naguguluhan ko ding tanong "Mama, anong sinasabi niya? "turo ko sa kay Nash.

"I-Isabella, baby let me explain. "

"Mama? Bakit niya ako tinawag na kapatid niya?" Kunot noo kong tanong.

"Because you're my sister? " sagot naman ng isang lalaking, parang suplado.

I can't believe this! Silang dalawa 'yong kapatid ko? E, sino 'yong isang kasama nila, yung papa ko na ni minsan hindi nagpakita sakin?

"Kuya?"

Tinignan ako ni kuya at tinignan niya din ako gamit ang mapupungay niyang mga mata.

"Alam mo? " malamig kong tanong

Bumaba lang ang tingin niya at hindi siya sumagot sakin. Hindi ko alam kung ano 'yong mararamdaman ko, kung masisiyahan ako dahil sa wakas nahanap ko na 'yong papa ko na ni minsan hindi ko man lang nakita. O magagalit kasi hindi man lang sinabi sakin ni kuya o ni mama na nakilala niya na pala yung Ama namin.

Saglit kong nakalimutan kanina 'yong problema ko pero ngayon. Akala ko mawawala na yung iniisip ko ngayon, yun pala ay madadagdagan pa. Tumakbo ako at pumunta sa kwarto ko dito sa bahay. Sinubsob ko ang muka ko sa unan at doon tahimik na nag-isip.

"Baby," boses ni Kuya.

Hindi ko siya pinansin at nagpanggap na natutulog.

"Isabella," aniya ulit pero hindi ko padin siya pinansin. "Hey,  I'm sorry "

Forgiving Heart (completed)Where stories live. Discover now