{CHAPTER 17}
"Hey, baby wake up!" Kuya Jasper shouted.
"5 minutes" Halos pabulong na sabi ko sabay taklob ng kumot.
Tinanggal niya 'yon.
"It's already 1am in the morning!" he shouted again.
Ano naman kung 1 am na? Sobrang aga pa kaya. I'm still freaking sleepy. Lumabas si kuya ng kwarto, nagising ako dahil sa tawanan nang mga nasa baba.
"Shh! You will wake her up!" boses ni Matteo.
" Ayaw magising. " Simpleng sinabi ni kuya sakanila.
Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko na may pupuntahan nga pala kami ngayon! Kung bakit ba hindi ko man lang narinig 'yong alarm ko o nag alarm nga ba ako?
Pumunta na ako sa banyo at nag simula ng maligo. Wala pa yatang limang minuto ay tapos na ako maligo. Kinuha ko na 'yong bag ko na naglalaman ng ilang gamit. Nakay Alyssa din kasi 'yong mga pinamili namin kahapon.
Namumula ko silang tinignan " S-sorry"
Napatingin silang lahat sakin.
"Wala ka bang alarm? " naiiritang sabi ni Anna.
"Let's go?" tanong ni Matteo sakin sabay bitbit ng bag ko.
Kinuha ko 'yon pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak at nauna na siyang maglakad. Why on earth didn't I wake up early?! Nahihiya tuloy ako sakanila baka sabihin nila na paimportante akong tao. Kanina pa yata sila naghihintay.
Pumasok na ako sa van at nagsimulang mag halughog ng mauupuan ko. Kay Matteo at Alexis nalang ang may bakanteng upuan. Pupunta na sana ako kay Matteo pero inunahan ako ni Anna. Kaya wala akong choice kung hindi kay Alexis nalang. Gusto ko sana sa bintana pero mukhang tulog na tulog siya. Kaya naman pala wala siya kanina sa bahay eh.
"Alexis," sabi ni Matteo na nasa tabi ko na pala.
"Yeah?" Alexis said.
"Palit nga tayo upuan " matigas na sabi ni Matteo.
Tinignan ako ni Alexis "Yeah. Alright," aniya
Umupo si Matteo sa inupuan ko kanina. Syempre mas gusto ko na sa tabi ng bintana. Para makita ko pa 'yong mga tanawin. Pero alam ko naman na hindi ko makikita dahil sa gabi nga kami ba byahe.
"I am not sleepy head huh?" ginaya niya 'yong sinabi ko.
Namumula ko siyang tinignan "Whatever " ngumiti ako.
Hinawakan ko ang braso ko dahil naramdaman ko ang lamig na dumampi sa kutis ko. I forgot my jacket! Gusto kong ipahinto pero nahihiya ako. Siguro ay titiisin ko na lang 'tong lamig. Nabigla ako ng inabot sakin ni Matteo ang isang hoodie hindi ko alam kung ano 'yong design kasi medyo dim light. Sinuot ko 'yon at naging mas komportable ako.
"Inaantok ka?" aniya sabay tapik sa balikat niya.
"Nope" sabi ko
Sa totoo lang ay inaantok pa ako, e. Kulang na kulang yata 'yong tulog ko kanina. Humikab ako at nagsimula ng bumigat 'yong talukap ng mata ko. Nagising lang ako dahil sa tawanan nila sa likod, may mga nag bubukas pa ng chichirya at softdrinks.
"Sorry" sabi ko ng napagtanto ko na nakahilig ako sa balikat ni Matteo.
" Nagugutom kana ba?" tanong niya.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...