Chapter 1
Missing"STRUMMING my pain with his fingers, singing my life with his words.."
"Killing me softly with his song!! Killing me softly!!"
"Whooo!! Chug! Chug! Chug!"
"Drink it up, dude!"
"Shit, shit, shit."
"Fuck! What's that? Was that a gunshot?"
"She's dead! Oh no!"
"Tangina. Ano'ng nangyayari?"
"Umalis na tayo! Umalis na tayo!"
"Jace!! Wait, si Jace! We can't just— oh fuck!"
"Damn it, let's go! He's dead!"
Kasabay ng sunud-sunod na putok ng baril ay ang bigla namang pagbukas ng mga mata ko. Agad akong napabalikwas at napabangon mula sa higaan ko. Agad akong napahawak sa sentido at noo ko dahil muli na namang sumakit ang ulo ko.
Lintek, napanaginipan ko na naman. Halos tatlong taon na ang nakalipas, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang lahat. Normal naman siguro ito sa tulad kong nakatulog nang matagal, hindi ba? Ugh. Parang minamartilyo ang ulo ko dahil sa sakit!.
"Jace, anak?" Agad akong napalingon sa pintuan ng kwarto ko nang sumulpot si Ate Cherry dito. "Ayos ka lang ba? Kumusta pakiramdam mo? Kagigising mo lang ba?"
Nakunot ang noo ko nang tingin ko siya. "Ate Che naman, hindi ko ata deserve ang napakaraming tanong tulad niyan. Kagagaling ko lang galing sa pagiging comatose," biro ko sa kaniya.
"Nag-aalala lang ako sa'yo. Naku, alam mo bang sobrang saya ko nang magising ka na sa wakas. Namiss kita, anak! Hindi ko ata alam ang gagawin ko kapag nawalan pa ako ng isa pang—"
Pinutol ko agad siya sa sasabihin niya dahil paniguradong iiyak na naman siya. Ayokong umiiyak siya dahil nalulungkot din ako. Naulila kasi siya sa kanyang anak, ilang taon na ang nakalipas kaya't sobrang naging maalalahanin niya para sa'kin. Isa pa, simula ata nang iwan ako ni Dad, siya na ang tumayong magulang ko kahit hindi ko siya kadugo. Sobrang swerte ko na hanggang ngayon, nandito pa rin siya sa tabi ko para alagaan ako.
"Ate Che, okay na ako. Don't worry. Tingnan mo oh, ang lakas-lakas ko!" Dali-dali akong tumayo at nag-jumping jacks sa ibabaw ng kama ko, na dahilan naman kaya agad siyang tumawa. Maya-maya, bumaba agad ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. "Salamat, Ate Che. Sobrang salamat! Hindi ko alam na matatangkaran na kita ngayon," biro ko kasabay ng nakakalokong pagtawa.
"Ang dami mo talagang alam, bata ka. Oh siya, sige na. Bumaba ka na dun, ready na 'yung breakfast mo." Agad naman akong nagpasalamat. Lalabas na sana siya nang bigla siyang natigilan. "Oo nga pala, may bisita ka. Kanina ka pa hinihintay nu'n."
Hindi ko alam kung sino 'yung tinutukoy niyang bisita pero dali-dali naman akong gumayak at nag-ayos.
Pagharap ko sa salamin, hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa sarili ko. Hindi ko kasi akalain na masusuot ko pa ulit ang uniform na 'to, pati 'yung bagsak kong buhok humaba na rin na animo'y isa akong anime character — scruffy-messy style, dinaig ko pa ata si L ng Death Note. Kidding aside, I really looked so different. Oo, mukha ko pa rin 'to pero there's still something that changed and I don't know if I will actually get used to it.
Tatlong taon? I can't believe na tatlong taon akong tulog. Ni hindi ko alam kung ano na bang nangyari sa labas, ni hindi ko alam kung paano ako makakapag-adjust sa lahat. Panigurado akong maraming nagbago. Umaasa na lang ako na kahit papaano'y may nanatili pa rin tulad ng dati. Ang kaso nga lang, hindi lahat ng nanatili ay maganda. Tulad na lang ni Dad, hindi ko man lang siya nakita simula nang magising ako. Kahit isang salita mula sa kanya, wala akong narinig o natanggap man lang. Ni hindi ko alam kung alam niya bang nagising na ako. Ni hindi ko alam kung dumalaw ba siya sa'kin — kahit isang beses, sa loob ng tatlong taong nakaratay ako sa kama. I thought change is the only constant thing in life, hindi pala — hatred is, too. Ni hindi ko alam kung anak pa rin ba ang turing niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Misteri / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...