Chapter 3
The Gunshots"HER NAME is really unusual. I mean, sinong matinong parents ang papangalanang Anime ang anak nila?" usal ni Jonas habang hindi man lang humihinto sa pagnguya ng kinakain niyang kwek-kwek.
"Kanya-kanyang trip 'yan. Bakit ba? Pake mo ba?" sabat naman ni Amy.
"Jonaaaas," pagsingit ni Charity. Still, I could see her excessive care towards Jonas, which I don't really understand. She hasn't changed. Si Jonas naman, parang wala lang. "Call her Ani instead, okay? That's her nickname."
"I'm scared." Narinig ko ang malalim na paghinga ni Aria. Bakas sa mukha niya na hindi siya mapalagay. Bukod dun, paulit-ulit din niyang inilalagay sa likod ng kanyang kanang tenga ang buhok na humaharang sa mukha niya. I know her. She does it when she's anxious. "Gosh. Ayokong mangyari ulit sa iba ang nangyari kay Joy."
"E anong gusto mong gawin natin? Follow her and see what happens next?" tanong naman ni Mayi. "Come on, guys. I think that was just a prank! I know what you're thinking — Dimsdale Monster. You know that's not true. Joy wasn't kidnapped by that monster, naglayas siya. Okay?"
"Mayi's right," sabat ni Percy. Agad namang napatingin si Mayi dito at ang kaninang inis na itsura niya ay mabilis na napalitan ng kalmadong ekspresyon. "If that monster would really take Anime girl, that would be impossible kasi alam nating lahat na every 7 years ito umaatake. Three years ago nawala si Joy, not seven years ago. See? It wouldn't make sense."
Agad nanahimik ang mga tao sa table na kinaroroonan namin matapos magsalita ni Percy. Mukhang napapaniwala niya talaga ang lahat sa sinasabi niya. Ilang oras na rin ang nakalipas nang mag-hysterical ang takot na takot na si Anime kanina. Mabilis na nabalitaan ng lahat ang nangyari kaya't naging usap-usapan agad ito sa buong campus. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yun dahil halos wala namang tao dito kanina sa cafeteria. Pero ano pa nga ba? May pakpak ang balita.
Maging ako ay hindi mapalagay sa nangyari kay Anime kanina. Kung ako siguro ang makakakuha ng ganoong klase ng missing poster, paniguradong hindi rin ako mapapalagay at mabilis akong magpapalamon sa takot. Kagigising ko lang mula sa pagkaka-comatose kaya ayokong makatulog ulit..
Matapos ang nangyari kanina, agad na dinala si Anime sa clinic upang mahimasmasan. Agad namang dumating si Nurse Elle at sinubukang pakalmahin ito upang maakay niya. Buti na lang at mabilis na naaksyunan ang kawawang si Anime dahil for sure takot na takot 'yon. I hope she would be better. At sana, walang masamang mangyari sa kaniya. Sana tama si Mayi at Percy. Sana that was just a crazy prank. Lintek, hindi kaya nakakatuwa 'yon.
"Guys," seryosong saad ni Jonas. Agad naman niyang nakuha ang atensyon naming lahat. "I wonder why Nurse Elle's real name is Eleventh? Nasa katinuan din kaya ang nagpangalan sa kaniya? How could they do that to their child?"
Agad namang nagreklamo at nagtawanan ang lahat dahil sa tanong niya. Ako naman ay nasapo ko na lamang ang noo ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako dahil seryoso pa siya nang sabihin niya 'yun. Kahit kailan talaga 'tong sibuyas na 'to.
It's good to see everyone again. Hindi naiwasan ng lahat na alamin kung anong nangyari kanina kaya't otomatikong nagkita-kita rin kami ng mga dati kong kaibigan dito sa cafeteria. Hindi man kami kumpleto ngayon, masaya ako na hindi kami nagkalimutang lahat. Well, basically bukod sa'kin dahil I keep on having a hard time remembering other people or any events. Need pa nila na i-recall sa'kin lahat bago ko pa maalala nang tuluyan.
"Jace."
Agad akong napalingon sa tumawag ng pangalan ko. Si Hani pala. "Kanina pa kita hinahanap! Hindi ka raw nagpunta sa office. Ano bang ginawa mo? Okay ka lang?" sunud-sunod niyang tanong. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya't napangiwi na lang ako. Isa pa, oo nga pala. Ngayon ko lang naalala na hindi ako nakapunta sa office kanina dahil sa pag-uusap namin ni Jonas at sa nangyaring insidente.
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...