Trigger Warning: This contains sensitive content and may cause emotional and psychological distress. Please be warned.
...
The Missing Files
The DiscoveryWALANG IBANG magawa si Charity kundi ang umiyak lamang dahil sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay naaalala niya ang lahat ng nangyari nang gabing 'yun.
"Uy, chicks!"
"Pare, tiba-tiba tayo dito ah. Makinis!"
"Hala, sino kayo? Layuan nyo ako!"
"Miss, 'wag kang mag-alala. Di ka namin sasaktan. Mag-eenjoy ka sa gagawin natin."
"Bitiwan n'yo 'ko! Jonas! Jonas, tulungan mo ako!"
"Pwede ba? 'Wag ka nang magpumiglas, hindi mo kami kaya."
"Pakawalan niyo ako. P-Pakawalan nyo ako. . ."
"Ang bango-bango mo."
"Tangina, Pare. Ang sarap ng isang 'to ah."
"Hawakan mong mabuti, baka makawala pa."
"'Wag, please. . ."
"'W-Wag. . ."
"Mom, help me. . . Mom."
Muling tuluyan nang binalot ng takot si Charity at humagulgol na lamang siya. Damang-dama niya ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa mga imaheng paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Ang mga tawanan at halakhak, ang kanyang paulit-ulit na pagsigaw. Mahigpit siyang napakapit sa kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Malamig sa silid ng ospital na kinaroroonan niya pero tila sinisilaban ang kanyang pakiramdam dahil sa bangungot na nangyari sa kaniya.
Hindi na siya makapag-isip nang maayos, her brain was shut down. She felt numb, she felt like a shell. All the feelings she could have — the hurt, shame, anger, guilt, sadness, confusion. . . they were all locked away.
Nakahiga siya sa malambit na kama, but she felt like she was seeing herself as an outsider — she's dissociating. No one ever knew about the conflict raging inside. Throughout the night, she would wake up in the middle of it, watching herself crying in pain, in agony, in fear. . . The terror inside her head is endless. Sobrang bigat ng mata niya dahil sa walang katapusang pag-iyak. Naaawa siya sa sarili niya at wala na syang magawa tungkol dun.
She wanted to see Jonas, she wanted to ask him why. Gusto niyang magalit, pero hindi niya magawa. It wasn't his fault, it was hers. Alam niya namang ayaw sa kaniya ng tao pero pinipilit niya pa rin. She was so stupid. At ngayon, wala na siyang ibang magawa kundi tanggapin ang nangyari.
She wanted to see Joy, but she's nowhere to be found. She wanted to see Emily and tell her what happened but she couldn't just do it, she couldn't just mess with her and disturb her. Wala nang pakialam sa kanya ang kaibigan niya at mas lalong nararamdaman ang pagsikip ng kanyang dibdib dahil dun.
She's alone now. . .
Maya-maya, narinig niya ang pagbukas ng pinto at agad siyang napatingin dito. Sa hindi malamang dahilan, tila nanlambot ang kanyang mga tuhod at gumapang ang kaba sa kanyang dibdib. Natatakot siya na baka bumalik ang mga walanghiyang lalaking umabuso sa kaniya. Natatakot siya na baka mangyari na naman ang lahat.
"W-Who's there?" nauutal niyang bulong.
Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang makitang pumasok ang nurse na may dalang tray. Pinagmasdan niya lamang ang mga galaw nito. Inilapag nito ng hawak na tray sa maliit na lamesa sa gilid niya at may mga inayos na bagay na parang mga papeles. Maya-maya, kinuha nito ang isang remote at binuksan ang TV.
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Misterio / SuspensoJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...