Chapter 22: The Sweet Psychopath

75 9 59
                                    

Chapter 22
The Sweet Psychopath

"MR. JACE JEREMIAS, you are under arrest for the murders of numerous citizens of Dimsdale. Anything you say can, or will—"

"Jace?" Napalingon ako sa kaliwa nang marinig ko si Hani kasama si Aria. "Anong ginagawa niyo sa kaibigan ko? Bitiwan nyo siya! 'Wag nyo siyang sasaktan!"

"Miss, 'wag kang mangialam dito. Hinuhuli namin ang isang kriminal na pumatay ng ilang estudyante ng Dimsdale High—"

"What?" bulalas ni Hani. "N-No way! Jace can't do that. He can't do what you're saying! Hindi niyo pwedeng gawin 'yan sa kaniya. Wala siyang ginagawang masama!"

Pinilit na lumapit ni Hani sa'kin ngunit agad siyang hinarang ng mga pulis. Sa labis na takot, hindi ko na magawa pang magsalita habang pinoposasan ako. Napatingin lamang ako kay Percy at kay Hani at wala na akong ibang magawa kundi ang mapalunok upang pigilan ang luha, dala ng labis na kalituhan.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Maging sila, bakas sa mga mukha nila ang kalituhan. Dinig ko ang kanilang mga bulung-bulungan at kanya-kanyang kuro-kuro. Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan.

Dumating si Punch at Mayi na kapwa naguguluhan din sa nangyayari. Lumapit si Punch sa isa sa mga pulis at kinausap ito. "With all due respect, Sir. Gusto lang sana naming malaman kung anong nangyari sa kaibigan ko. He doesn't have any guardian kaya't gusto sana naming makatulong sa kanya."

"Nakakuha kami ng mahalagang impormasyon mula sa isang tipster, supporting all the evidences we have," sagot ng pulis. "Tumibay ang hinala namin laban sa kaniya. Noong una, akala namin nagkataon lamang ang lahat dahil simula nang magising siya, nangyari ang mga patayan dito sa Dimsdale. Matagal na namin siyang minamanmanan at bigla-bigla siyang nawawala sa paningin namin. Makalipas ang ilang araw, may matatagpuan na namang bangkay. Noong una, hindi kami sigurado sa kanya pero nang may nagbigay sa'min ng isang hospital files na pagmamay-ari ni Jace Jeremias, nalamang may sakit siya sa pag-iisip at tila naging malinaw ang lahat sa'min. Naintindihan namin kung bakit hindi niya maalala ang mga ginawa niyang krimen."

Napakunot ng noo si Punch. "Sorry, Sir. But you never said that the identity of the tipster is anonymous. Pwede ba naming malaman kung sino ang tipster na 'yun."

Sandaling natigilan ang pulis. Nakatingin lamang ako sa kanya at napansin ko ang pagsulyap niya sa direksyon ko; sa taong nasa likod ko. Nakita ko si Punch na sinundan niya ang tingin nito kaya't alam kong napansin niya rin ang tingin na 'yun.

Tumikhim ang pulis. "Pasensya na, confidential."

Walang anu-ano'y naglakad ang pulis na nakakapit sa'kin at kinaladkad ako papunta sa isang police car. Sapilitan niya akong pinasakay dito kaya't wala na akong iba pang nagawa kundi ang sumunod.

Bago magsara ang pintuan ng kotse, napasulyap ako kay Percy na nakatingin din sa'kin. Nakita ko ang malungkot niyang mukha na animo'y humihingi ng tawad sa'kin sa pamamagitan ng kaniyang tingin.

Tila bumagal ang pagsara ng pinto ng kotse kaya't nakita ko ang pagbagsak niya sa lupa nang bigyan siya ni Punch ng isang malakas na suntok sa mukha.

Nanlumo ako sa nangyari at wala na akong ibang nagawa kundi ang mapapikit na lanang dahil sa sobrang pagkadismaya.

"I trusted you, Percy. I trusted you."

...

"FUCK YOU, PERCY!"

Galit na galit si Punch kay Percy dahil sa ginawa nitong pagsuplong sa kanilang kaibigan sa mga pulis. Dahil sa suntok na inabot ni Percy ay tumalsik ito sa lupa at napahawak sa kanyang pumutok na labi.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon