Chapter 33: The Brother's Love

54 11 24
                                    

Chapter 33
The Brother's Love

"PAANO KA nakaligtas kung nahulog ka sa bangin?"

Ngumiti lamang si Jay. "Hindi talaga ako nalaglag, Kuya. May matabang ugat ng puno akong nahawakan nang sandaling mahulog ako. Hindi nila ako nakita dahil natatakpan ako ng maraming dahon at damo. Nang makaalis sila sa lugar na ito, sigaw lamang ako nang sigaw. Mabuti na lang at nasa paligid si Percy.

"Sinundan niya pala kami nung kasama ko sila Punch at Jonas papunta dito. Ang sabi niya, ready na raw siya para iligtas ako pero hindi niya ginawa dahil alam niyang malakas akong tao. Nung nalaman naming nagsinungaling ang mga kaibigan mo tungkol sa nangyari sa'kin, pinanindigan namin ni Percy ang lahat. He transferred to your school para kaibiganin at kilalanin lahat ng nasa paligid mo.

"I stayed still as Joy for three years at nang malaman naming nagising ka, doon kami nagsimula. Since they lied about the Dimsdale Monster, bakit hindi namin gamitin ang trademark ng serial killer na 'yun? Noong una, gusto lang namin manakot. Gusto lang namin takutin si Hani pero nagmamatigas talaga siya," pagkekwento ni Jay.

"Let's not talk about her anymore, please?" saad ni Jace.

"Kuya, sorry pala kung nadamay si Milo. We found him, pero natakot ako na baka ilayo ka niya sa'kin kaya n-nagawa ko siyang patayin. Ganun din si Ate Cherry. I'm sorry, Kuya! Hindi ko sinasadya!"

Hindi maiwasang sumikip ang dibdib ni Jace nang maalala ang nangyari. Pinilit niya na lamang na pakalmahin ang sarili. Kahit anong mangyari, si Jay pa rin ang nakababata niyang kapatid at hindi 'yun magbabago. "That's okay. I'm already here. Hinding-hindi na kita iiwan. Pero mangako ka sa'kin na hindi nyo na uulitin ang lahat ng 'to."

"Pangako, Kuya!"

Maya-maya, lumabas si Percy mula sa gitna ng kakahuyan at agad na nagtungo sa kinaroroonan ng dalawa. "Umalis na tayo dito, malapit nang mag-umaga. Baka may makakita pa sa'tin," saad nito.

Nagsimulang maglakad papasok ng kakahuyan ang tatlo. Maya-maya, sa kanilang paglalakad, natigilan sila nang marinig nila ang kakaibang tunog. Parang may paparating. Agad na nagtago ang tatlo ngunit huli na ang lahat nang pumarada sa kanila ang isang lalaking nakasakay sa motorsiklo at may suot na helmet. Walang anu-ano'y tinutukan sila nito ng baril. Nanigas sa kinatatayuan ang tatlo at hindi makagawa ng kahit na anong kilos.

Ganun din ang lalaking nasa motorsiklo, natigilan ito nang makita ang dalawang lalaking magkamukha. Hindi niya maiwasang hindi maguluhan dahil sa nakita. Agad-agad niyang ibinaba ang hawak niyang baril at hinubad ang helmet.

Kunot-noo siyang napatingin sa dalawa. "Sino sa inyo si Jace? Pakshet! At ikaw naman. Ugh! Fucking Percival, alam mo ba kung gaano ka ka-pakshet? Traydor kang kumag ka!"

"Jonas?" Naglakad paharap si Jace.

Walang anu-ano'y muling tinutok niya ang baril dito. "'Wag kang lalapit! Sino ka? Ikaw ba ang totoong si Jace?" bulalas nito.

"Oo, Sibuyas. Ako 'to," saad lamang ni Jace.

Agad na napa-buntong hininga si Jonas at dahan-dahang ibinaba ang baril. "Anong ibig-sabihin nito? Anong nangyari?"

"Jonas, tapos na ang lahat," tipid na sagot ni Jace.

"Pinatay nilang dalawa ang mga kaibigan natin! Bakit kasama mo sila? Mga demonyo 'yang mga 'yan! Jace, halika. Sumama ka sa'kin! Baka patayin din nila tayo," giit ni Jonas habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Umiling lamang si Jace. "Hindi. Hindi ka na nila papatayin. Jonas, gusto ko lang sana humingi ng pabor sa'yo."

"Ano 'yun?" agad na tanong ni Jonas.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon