Chapter 31: The Unrequited Love

59 10 67
                                    

Warning: Sensitive content. Not suitable for young readers. :)

...

Chapter 31
The Unrequited Love

"KUYA, HINDI lang ikaw ang pinapadalhan namin ng missing poster, pati rin si Hani."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Jace.

"This is about the missing posters. Pinapadalhan din namin siya ng mga 'yun para ipaalala sa kanya ang lahat ng ginawa niya. Sa bawat missing poster na pinapadala namin sa kaniya, may kasamang sulat na nagsasabing kailangan niyang magsabi ng totoo. At sa bawat pagbalewala niya sa pinapadala namin, kapalit nun ang mga buhay  ng mga kaibigan niyo. . . yung mga taong kasama niya sa pananakit sa'kin. Nagmatigas siya, Kuya. Makasarili siya."

"I'm sorry!" pag-iyak ni Hani.

"Mas pinili niya ang sarili niya kapalit ng buhay ng mga kaibigan niyo. Mas pinili niyang manahimik sa kabila ng sunud-sunod na patayang ginagawa namin. Kuya, hindi naman sana kami maghihiganti kung umpisa pa lang nagsabi na siya ng totoo!"

Naiwang nakaawang lamang ang bibig ni Jace at mas lalong sumiklab ang galit niya sa kanyang kaibigan. "Anong ginawa mo, Hani?"

"Jace, mahal kita. Ginawa ko 'yun dahil ayokong mag-iba ang tingin mo sa'kin. Matagal na kitang gusto. Makinig ka naman sa'kin! Intindihin mo ako. Mahal na mahal kita! Nagsisinungaling silang dalawa sa'yo! Mahal kita!"

Hindi kumibo si Jace bagkus ay umayos siya ng pwesto at tumayo. Matagal siyang nanahimik at nakatuon lamang kay Hani ang atensyon gamit ang blangkong tingin. Gusto niyang magalit pero hindi niya magawa. Nanginginig ang kanyang kamay dahil sa labis na galit na kanyang nararamdaman. Wala mang pagtigil ang luha mula sa mga mata niya dahil sa kalungkutan, mas nananaig naman ang poot sa kanyang puso.

Naaawa siya sa ngayong sitwasyon ng kanyang kaibigan kaya't dali-dali niyang iniwas ang tingin mula dito. "I'm sorry, Hani. Walang kwenta ang pagmamahal mo kung kapalit nun ang maraming buhay. Tama sila sa mga sinasabi nila sa'yo, Hani. Sinungaling ka, manloloko. Kaibigan natin sila, but you chose yourself over them. You should've done the right thing simula pa lang."

"Jace, no. What are you talking about? I love you! I really, really love you!"

Nagsisigaw si Hani at gustong-gutsong tumango kay Jace upang yakapin ito ngunit hindi niya magawa. Nagpupumiglas lamang siya mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ni Jay habang nakatutok ang patalim nito sa kanyang leeg.

Bago magsalita si Jace, muling tumakas ang maraming luha sa kanyang mata at tumalikod kay Hani dahilan para mapaharap siya kay Percy na ngayo'y nakatingin lamang sa kanya.

"J-Jay, Percy. . . Please do what you have to do," saad lamang ni Jace habang nakayuko at napakagat na lamang sa kanyang labi.

"Jace! No!" Agad na napatili si Hani dahil sa labis na gulat.

"Please, make this bullshit end tonight. Please make it quick," dagdag pa ni Jace.

Sa kabila nga pagmamakaawa at walang katapusang pagsisigaw ni Hani, nanatili na lamang si Jace na nakatalikod mula sa kaniya. Hindi ito umiimik at gumagalaw mula sa kinatatayuan niya. Sa halip, napapikit na lamang siya at umiyak.

Naririnig na lamang niya ang nangyayari at hinihintay na matapos ang lahat.

"Hani, gusto kong maranasan mo rin kung ano ang ginawa niyo sa'kin nang araw na 'yun." Iyon na lamang ang sinabi ni Jay at marahas na binitawan ang pagkakakapit niya sa buhok ni Hani.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon