Chapter 23: The Reexperience

49 12 24
                                    

Chapter 23
The Reexperience

    TULUYANG SIYANG pumasok ng kwarto at dali-daling sinara ang pinto. Nakita kong ini-lock niya ito at biglang humarap sa'kin. Tinanggal niya ang suot niyang mask kaya't agad kong nakumpirma na si Milo nga ito.

    "Jace," agad niyang tugon saka huminga nang malalim. "Shit, akala ko mahuhuli ako kanina. Mabuti na lang at tinulungan ako ng isang lalaking pasyente na parang K-Pop ang buhok."

    Agad akong napatayo dahil sa labis na kalituhan. "Milo, anong ginagawa mo dito? Pa'no ka nakapasok?"

    "Mahabang kwento, Jace," tipid niyang sagot at dali-daling lumapit siya sa'kin. Pinasok niya ang kanyang kamay sa suot niyang labgown at may kinuha mula sa kaniyang likod.

    Nagulat ako nang ibagsak niya ito sa kama at makitang labgown ito.

    "Isuot mo 'yan, bilis. Itatakas kita sa lugar na 'to," saad niya at inabot pa sa'kin ang isang puting facemask na katulad ng suot niya kanina.

    Aaminin ko, naguguluhan ako kung bakit siya nandito. Oo, nasa iisang barkada kami pero hindi naman kami ganu'n nag-uusap. Hindi kami ganu'n nagpapansinan. Ni hindi nga namin kilala ang isa't isa. At hindi ko alam kung paano sila naging magkaibigan ni Punch.

    Pero aaminin ko rin, medyo gumaan ang pakiramdam ko na nandito siya. Kahit papano'y nakaramdam ako ng tuwa dahil akala ko mabubulok na ako sa lugar na 'to. Baka mas mabaliw pa ako sa lugar na 'to dahil sa sobrang tahimik.

    Habang sinusuot ang labgown, hindi ko maiwasang hindi magtanong. "Teka lang, hindi ka naniniwalang ako 'yung pumapatay? Milo, may sakit ako sa pag-iisip, baka mapahamak ka dahil sa'kin. Baka mapatay kita nang hindi ko alam—"

    "Hindi ka baliw, Jace. At naniniwala akong hindi ikaw ang pumapatay," saad niya. Kinuha niya 'yung face mask sa bulsa ng labgown niya at sinuot nito. "Bilisan mo, isuot mo na 'yung face mask bago pa may makakita sa'tin."

    Nang pareho na kaming nakasuot ng puting labgown at face mask, dali-dali kaming nagtungo sa pinto. Dahan-dahan niya itong binuksan at nauna siyang lumabas para siguraduhing walang tao sa paligid.

    "Milo, hindi ko maintindihan. Bakit mo ginagawa 'to? Paano mo nalamang nandito ako?" bulong kong tanong habang nasa likod niya.

    Bumalik siya sa loob at hinarap ako. "Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Let's get out of this place first! Listen to me, you need to act normal. Just walk until we reached the main gate of this institution. Ready ka na?"

    Tumango ako. Pasimple siyang lumabas ng kwarto at hinila ako palabas. Napatingin ako sa paligid at namangha ako sa lugar dahil puro kulay puti lamang ang nakikita ko. Sobrang haba ng hallway na tila walang katapusan. May mga pasilyo at ibang pinto ngunit nakasarado ang iilan. Nakakamangha man, hindi ko pa rin maiwasang hindi kilabutan dahil sa mga naririnig kong palahaw na nagmumula sa malayong parte ng kinaroroonan namin.

    Nagsimula kaming maglakad sa pasilyo. Hindi pa man kami nakakalayo ay nahagip ng paningin ko ang isang lalaking nakasandal sa pinto ng isa mga kwartong nadaanan namin. Nakahalukipkip lamang ito at nakatingin sa'kin. Agad akong nagpaalam kay Milo sa'kin at dali-daling nilapitan ito.

    "Aero, salamat sa pagtulong sa kaibigan ko," bulong ko.

    Nginitian niya lamang ako at kinindatan. "Walang problema. Ingat ka sa labas. Tandaan mo ang lahat ng sinabi ko. Paalam, Jace."

    Ngumiti ako sa kanya bilang tugon at dali-daling bumalik sa kinaroroonan ni Milo. Muli kaming nagsimulang maglakad nang parang wala lang. Paulit-ulit kong kinakausap ang sarili ko at binubulangan na kailangan kong dumiretso ng tingin at umakto na isa kami sa mga personnels dito. Parang walang katapusan ang nilalakaran namin, ni hindi ko alam kung kailan kami makakalabas. Parang walang katapusan ang pasilyo na 'to. Walang hangganan.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon