Chapter 25: The Confession of Sin

82 11 65
                                    


Jiro: Okay. Bago ang lahat, gusto ko munang sabihin na ang pogi ko. Haha. Sige na, joke lang. The events after Percy's apartment continues here in this chapter onwards. Don't worry, mage-gets niyo rin. Kapit lang! Oke? Mwa.

...

Chapter 25
The Confession of Sin

"H-HELP ME. . ."

"'Wag mong gawin sa'kin to, please. Please?"

Panay ang pag-iyak ng babae habang nakahiga sa damuhan. Sira-sira ang blouse na suot nito at wala siyang ibang magawa kundi ang magsisigaw at umiyak lamang sa hangin. Sinusubukan niyang magpumiglas ngunit masyadong malakas ang kamay na nakakapit sa kanyang mga kamay at paa. She was so helpless. . . and hopeless. Panay ang paghingi niya ng tulong ngunit tila walang nakakarinig sa kanya.

"Please. . ."

"Punch, tama na. P-Punch."

"Punch, I'm talking to you dude."

Biglang nabalik sa reyalidad si Punch nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Agad siyang napalingon kay Percy na diretsong nakatingin sa mukha niyang pinagpapawisan na. "Ano'ng sabi mo?" tanong niya.

"Hindi ko alam kung saan nakatira si Jonas. Alam mo ba kung saan ang bahay niya?" tanong ni Percy. "Ayos ka lang ba?"

Napalunok si Punch at dahan-dahang tumango. Nagsinungaling man siya, bakas naman sa mukha niya ang pagkabalisa dahil sa alaalang rumehistro sa kaniyang isip. Matagal na niya itong tinatakasan at ngayong bumalik ito, hindi niya alam kung paano niya pa ito tatakbuhan. They're being killed because of one thing; he will be killed because of the terrible thing he had done.

"Dude, I know you're friends with Jonas. If he's the person behind all of this mess, then you need to calm down. We need to be logical," saad ni Percy, bakas sa tono ng boses nito ang pag-aalala sa kasama.

Umiling si Punch dahil sa kalituhan. "Hindi ko alam kung maniniwala akong nangyayari 'to. Matagal na akong tumatakas sa bangungot na nangyari tatlong taon na ang nakakaraan. Matagal na akong tumatakbo palayo, pero ngayon parang tila hinahatak naman ako pabalik ng lahat. . . pabalik sa pagiging halimaw. And Jonas. . . I can't believe he can do this. May kabaliwan ang isang 'yun, pero hindi ako makapaniwalang gagamitin niya si Jace sa lahat ng kalokohang 'to. . . Hindi ko pa rin maintindihan."

Percy scoffed. "Punch, I've got something to tell you. . . At sa'yo ko lang 'to sasabihin. We tried to investigate the Dimsdale Monster. I'm with Jace and Jonas, and to tell you honestly, whenever Jace got his panic attacks, wala akong ibang mapagsabihan ng mga natutuklasan ko kundi si Jonas lamang. Dude, I told him about the CCTV shots and Jace's hospital records. Sigurado akong siya 'yung tipster na sinasabi ng mga pulis."

"What the fuck?" bulalas ni Punch. "Hindi ikaw 'yung tinutukoy nila? Shit, man, sorry kung nasuntok kita."

"That's okay. Ang hina mo kaya sumuntok," biro ni Percy. "Pero si Jonas. . . I trusted him because Jace trusts him. Pero alam kong simula pa lang, there's something off about him. Whenever I look at his eyes, I could see something different from them. And the way he looks at Jace. . . iba, parang may mali. . . Look, alam kong kilala mo na siya simula bata pa lamang kayo, kilala niyo siya. . . kayo-kayo nila Hani at Jace, pero hindi sapat na rason 'yun para masabi mong hindi niya kayang pumatay. Totoo nga siguro 'yung sinasabi nilang 'it's funny how sometimes the people you'd take a bullet for are the ones behind the triggers.' You can't really just trust anyone."

Sa 'di malamang dahilan, napalingon si Punch kay Percy dahil sa mga sinabi nito. Hindi nito maiwasang makaramdam ng kakaiba mula dito. Kunot-noo siyang napatingin dito at napatanong. "Ano'ng sabi mo, Man?"

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon