Chapter 5: The Comeback

87 17 37
                                    

Chapter 5
The Comeback

MAAGA AKONG pinalabas ni Teacher Solde sa office dahil mabilis kong natapos ang mga assessments na binigay niya sa'kin. Namamangha nga raw siya kasi that's unusual daw sa tulad kong nangkaroon ng brain injury. Sa totoo lang, kahit ako nagulat na mabilis kong natapos 'yung mga sinagutan ko. Madali lang naman e. Hindi ko nga lang alam kung tama ang mga sagot ko. Sana nga lang maipasa ko.

Nang makalabas ako ng office ay dumiretso muna ako sa locker upang iwan ang ibang mga gamit ko dito. Pagbukas ko ng locker ko, nalungkot ako nang makita ko dito ang missing posters ni Joy at Anime.

Si Anime. . . She's a good girl. Oo, may times na nagiging pasaway siya but that's normal for a student, so she doesn't deserve what happened to her. I know her, minsan ko na siyang naging seatmate noong elementary at magiging classmates sana kami kung hindi ako naaksidente three years ago. Mabait siya, at wala naman siyang ibang ginagalaw na ibang tao. Kaya't hindi ko maintindihan kung bakit nangyari sa kanya 'yun.

That night at the party three days ago, nagkaroon ng putukan. Ang sabi sa'kin nila Hani, may isang kabataan daw na nagdala ng baril doon sa party at accidentally nahigit ng mga kasama nito ang gatilyo kaya't napaputok. Pinaglalaruan daw kasi ng mga ito at sinusubukan. Mabuti na nga lang daw at walang tinamaan sa nasabing insidente.

Ang nakakagimbal lamang na nangyari ay ang matagpuang nakahandusay ang kawawang si Anime sa damuhan 'di kalayuan sa pinagdausan ng party. Habang nagkakagulo, may ilang kabataan daw ang nagtatakbo papunta doon at nagulat ang lahat nang makarinig sila ng kakaibang palahaw. Doon, nakita ng lahat ang katawan ni Anime na naliligo sa sariling dugo. Wakwak ang dibdib nito at durog-durog ang ulo, dahilan kaya't nagkalat sa paligid ang utak nito. Nakakasulasok daw kung ilalarawan, sabi pa ni Hani.

There was no gunshot found in any parts of her body kaya't imposibleng tinamaan ito ng baril. Isa pa, kung tama ng baril ang ikamamatay niya, how would they explain that gruesome thing happened to her. Lintek, wakwak ang dibdib at durog-durog na ulo? Demonyo ang may gawa nu'n, hindi tao. Nakakakilabot.

Panigurado, walang gagawing aksyon ang mga pulis tungkol dito. Pagtatakpan na naman nila ang lahat. Lintek na Dimsdale 'to. Bullshit!

Nang matapos kong ilagay ang lahat ng gamit ko sa locker, ibabalik ko na rin sana ang missing posters nang maalala ko si Joy — the girl who pulled the gun's trigger that caused my brain injury and Cassie's death. Ang kwento nila Hani sa'kin, nang ideklara ng buong lungsod na missing si Joy, pinaimbestigahan nila ito at may natagpuang baril sa locker nito. Ang baril na 'yun ang mismong ginamit ng salarin nang gabing mabaril kami ni Cassie. Bukod sa baril, may natagpuan ding itim na hoodie sa kanyang locker na pinaniniwalaang suot ng salarin nang gabing 'yun. Hanggang dun na lamang ang alam nila.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit gagawin ni Joy ang bagay na 'yun. Oo, she really hated Cassie for always bullying her but I don't think she could do that. At ako? Bakit niya ako babarilin? I asked Hani and Jonas kung may alam ba silang rason kung bakit niya ginawa sa'kin 'yun, pero hindi rin nila alam. Masyadong magulo.

       Kung gano'n, tama ang pakiramdam ko na hindi 'yun ang totoo. At 'yun ang kailangan kong malaman, kailangan kong mahanap si Joy.

Dali-dali kong ibinalik sa locker ko ang mga missing posters. Nang tuluyan ko na itong maisara, napansin ko ang isang nakatuping papel na nalaglag mula sa ibang mga lockers na nandito. Hinanap ko muna kung saan ito nanggaling ngunit hindi ko na malaman kung saan. Dala ng kuryosidad, dali-dali ko itong pinulot upang tingnan.

At para akong binuhusan ng isang malamig na tubig nang malamang isa na naman itong missing poster. Nakalimbag dito ang mukha ng isang pamilyar na babae na nagngangalang Jenny Protacio. Lintek, naging kaklase ko rin 'to noon ah? Sa baba ng pangalan ay ang petsa kung kailan ito nawala: July 17, 2011.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon