Chapter 29: The Boy You Never Knew

67 11 70
                                    

Chapter 29
The Boy You Never Knew

WALANG TIGIL sa pag-iyak si Hani habang akay ng binatang si Jace. Pareho man silang iika-ika sa paglalakad, hindi sila tumitigil sa pagbagtas sa gitna ng kakahuyan. Makailang ulit nang sumisigaw si Hani sa pag-asang maibsan ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman, ngunit balewala ang mga ito dahil habang tumatagal, patindi lamang nang patindi ang sakit na nararamdaman niya.

Basang-basa pa rin sila dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan. Ang tanging nasa isip lamang nila ay makalabas ng kakahuyan na ito. Dito nila naisipang dumaan dahil walang mangyayari kung lalakbayin nila ang mahabang Dimsdale Drive.

"M-Mayi. . ." pag-usal ni Hani. "Punch. . ."

Sa bawat pagkakataong pinipikit ni Hani ang kanyang mga mata'y paulit-ulit na rumerehistro sa kanyang isipan ang mga mukha ng kanyang kaibigan. Kasama niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, pero ang masaksihang mamatay ang iba niyang mga kaibigan ang pinakamasakit na bagay para sa kanya.

Mula sa pighating nararamdaman ay napapalitan naman ito ng galit at labis na kalituhan kapag naaalala niyang si Aria ang may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi niya maintindihan kung paano niya nagawa ito, kung bakit sila pinapatay nito. Tinuring niyang kaibigan si Aria pero bakit? Bakit niya isa-isang pinatay ang mga kaibigan nila?

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad, bigla na lamang nanlambot ang mga tuhod ni Hani dahilan para mapaluhod sya sa maputik na lupa. Agad namang natigilan si Jace at inalalayaan siya.

"Jace. . . Si Aria, hindi ko pa rin maintindihan. Hindi ko matanggap na siya 'yung. . ." umiiyak na saad ni Hani dahil sa labis na panlulumo.

Agad siyang tinitigan ni Jace sa mga mata at niyakap. "Sshh. She's already dead. I'm here, okay? We need to keep going."

"Ang sakit, Jace! Ang sakit-sakit. I feel so betrayed by Aria. Ngayon ko lang na-realize ang lahat. Kaya pala tahimik lang siya lagi, kaya pala madalas niya akong suportahan sa nararamdaman kong inis at galit sa mga kaibigan natin, kaya pala parang wala lang sa kanya ang lahat. . ." walang tigil na pag-iyak ni Hani.

"You're safe, Hani. I won't let anyone hurt you again. Okay?" malambing na saad ni Jace. "Let's go, kailangan na nating makaalis dito. Basang-basa na tayo ng ulan. Ako'ng bahala sa'yo."

Naramdaman ni Hani ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa sinabi ni Jace. Sa hindi malamang dahilan, mas lalong lumakas ang nararamdaman niyang paghanga sa matalik na kaibigan. Sa tingin niya, ito na ang tamang oras para aminin dito ang lahat.

Hawak nito ang kanyang kamay at tinutulungang makatayo mula sa maputik na lupa, ngunit binawi lamang ni Hani ang kanyang kamay at dahan-dahang hinawakan si Jace sa braso nito at pinigilan. Nanatili siyang nakaupo habang si Jace naman ay nakatayo sa harap niya.

"Jace. . ." Kahit madilim ang paligid at napatitig lamang siya sa mga mata nito. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya'y may kakaiba dito ngunit hindi niya na 'yun pinansin. "May aaminin ako sa'yo."

Napatingin si Jace sa kanya na puno ng pagtataka, agad itong lumuhod sa harap ng kaibigan at tinitigan sa mga mata. "Hani, ano 'yung aaminin mo?"

Hindi maiwasan ni Hani na makaramdam ng kaba dahil sa ginagawa niya. Hindi niya alam kung ano ang mga susunod na mangyayari sa kanila kaya't hindi na siya mag-aatubili pang sabihin dito ang totoo.

Matagal na nanahimik siya at nakatitig lamang sa kanya ang kaibigang si Jace. Madilim man ang paligid, kitang-kita niya ang gwapo nitong mukha malapit sa kanya. Hindi niya alam kung paano magsisimula, hindi niya alam kung anong salita ang dapat niyang sabihin. Kulang ang mga salitang nasa isip niya para bigyang kahulugan ang nararamdaman niya.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon