Chapter 12
The Monster They Created (Part 3)NANG SANDALING marinig nila ang ikatlong putok ng baril, tila tumigil ang oras ng lahat. Napuno ng sigawan ang sasakyan ni Punch nang makita ang pagbagsak ng katawan ni Jace sa lupa. Kahit si Anrie at Ruby na nasa kanilang likod ay nagulat. Maging si Jonas ay napahiyaw dahil sa nasaksihan.
"Jace!"
Agad itong nagpalinga-linga sa paligid at nakita ang isang taong nakasuot ng itim na hoodie di kalayuan sa kanila. May hawak itong baril at nakatutok ito sa direksyon kung saan sila naroroon. Nang makita nito na nakatingin sa kaniya si Jonas ay bigla itong napasinghap dahil sa gulat.
"Fuck!" bulyaw ni Jonas at dali-daling tumayo upang habulin ang salarin. Naghabulan sila sa gitna ng kakahuyan. Nanggagalaiti sa galit si Jonas at wala siyang ibang iniiisip kundi ang mapatay ang taong bumaril sa kaibigan niya. Takbo lamang siya nang takbo habang nakatuon ang atensyon sa likod ng salarin. Hindi niya maiwasan ang luhang kanina pa umaagos sa kaniyang mga mata.
Nasasaktan siya. Natatakot siya. Halo-halo ang nararamdaman niya dahil ayaw nyang mawala si Jace. Halos kapatid na ang turing nito sa kaniya. Ayaw niyang mawalan ulit ng isa pang kapatid. Hindi niya kakayanin.
Maya-maya, sa kaniyang pagtakbo, hindi niya napansin ang isang nakausling ugat ng kahoy kaya't bigla siyang nagpagulong-gulong sa lupa na puno ng mga tuyong dahon. Napatingin siya sa papalayong salarin hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kaniyang paningin. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang mapasabunot na lang sa sarili dahil sa labis na pagkadismaya.
Muling bumalik si Jonas sa nakahandusay na katawan ni Jace. Dumating na si Hani at Mayi na ngayo'y umiiyak sa walang malay na si Jace. Sinubukan nilang pulsuhan ito ngunit wala na silang maramdamang pagpintig mula dito. Agad namang inakay ni Milo at Punch ang dalawa palayo sa bangkay ni Jace at sumakay ng sasakyan.
"Jace!" sigaw ni Hani. "Wait, si Jace! We can't just—oh fuck!"
"Haniza, come on! Haniza!" pagpupumilit ni Mayi.
Binuhat naman ni Punch si Hani. "Damn it, let's go! He's dead!"
Nang umandar ang kanilang sasakyan, wala nang ibang nagawa si Jonas kundi ang sundan na lamang ng tingin ang nakahandusay na katawan ng kaibigan. He didn't know how he would handle another loss of a brother, he didn't know how he would live again. He had suffered from too much pain and agony before and that time, all he could do was to experience another emotional breakdown.
"I-Ikaw ang bumaril kay Jace? Ikaw?! Ikaw 'yung tanginang bumaril sa kaniya?"
Agad na tumulo ang luha ni Jonas dahil sa kanyang narinig at mga naalala nang gabing 'yun. Puno ng galit at puot ang kanyang puso. Puno ng lungkot at pighati. Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at agad na lumapit kay Kaye. Susugurin niya sana ito ngunit mabuti na lamang ay agad na napigilan siya ni Percy.
"Walang hiya ka, Kaye! Bakit mo ginawa sa kaibigan ko 'yun? Anong ginawa niya sa'yo para barilin mo siya nang ganun na lang? Ha? Sumagot ka! Sagutin mo ako!" pagsusumigaw ni Jonas kay Kaye habang pilit na pinipigilan siya ni Percy na makalapit dito.
Nagsimulang maiyak si Mayi dahil sa labis na pighating nakikita mula kay Jonas. Kahit papano, alam niya ang pakiramdam noong akala nila'y mawawala na si Jace sa piling nila. Naalala niya ang gabing puno ng takot at pighati.
Gayundin si Jace na nakaupo lamang sa isang sulok. Umiiyak ito habang hawak-hawak ang sugat sa kaniyang hita at pilit na pinipigilan ang pagdurugo nito.
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...