Chapter 7
The Reunion"HI, DAD. This is Jace. There are so many things I'd like to tell you face to face. It's been ten years since the last time I tell you how much I love you and Mom. Right now, I either lack the words or fail to find the right time or place, just give me a chance. Hindi ko alam kung pang-ilang e-mail ko na 'to sa'yo pero, Dad, hinding-hindi ako magsasawang padalhan ka ng mga messages. Dad, I hope you find the love and forgiveness that all the passing years have left there in your heart. Hinding-hindi rin ako magsasawang humingi ng tawad sa'yo. Dad, I'm really soryy!
The memories of us, the four of us — You, Mom, Me and Jay, all the childhood days, all that you have done to make our home a happy place and growing up such fun. I want to cherish them with you now. To tell you honestly, I'm having a hard time to remember things, Dad, because I just woke up from a terrifying accident. I didn't know if you've heard what happened to me, I didn't know if you still have plans to visit me, or even send me even a single word, but I just really wanted to tell you that I really need you right now. Please come home, Dad. I love you. Always."
Tulad ng sinabi ko, hindi ko alam kung pang-ilang e-mail ko na 'to sa kanya simula nang magising ako. Sa totoo lang, maikli pa 'to kumpara sa mga nauna; na halos pwede na akong gumawa ng isang buong nobela. Paulit-ulit ko ring chinecheck ang inbox ko dahil umaasa akong baka nag-reply na siya, pero ni isa wala man lang. Ni hindi ko alam kung natatanggap niya ba ang mga ito o nababasa. Bakit hindi siya nagrereply? Bakit hindi niya ako kinakamusta? Busy ba siya? O talagang kinalimutan niya na ako dahil sa sobrang laki ng galit niya sa'kin?
Otomatikong tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napayakap na lamang ako sa mga tuhod ko, binaon sa pagitan nito ang aking mukha at hinayaan ang sarili kong malunod sa kakaiyak. Nakaupo lamang ako sa ibabaw ng aking kama, sobrang dilim na sa labas at maging ang kwarto ko ay sobrang dilim dahil sa nakapatay na ilaw.
Tama nga siguro si Hani, simula nang magising ako, naging iyakin na ako. Ayoko rin namang ipagkaila dahil ito talaga ang nararamdaman ko. Sobrang sakit, sobrang lungkot. Nami-miss ko na ang dati, nami-miss ko na si Mom, si Jay. . . At si Dad, hindi ko alam kung nasaan siya pero sobrang miss na miss ko na siya. Siya na lang ang tanging meron ako at hindi ko na kayang tiisin na wala siya sa tabi ko at hindi man lang nagpaparamdam sa'kin.
Dad, I need you. Please come home. I don't want to be alone in this house anymore.
Nagulat ako nang maramdaman ko ang isang yakap. "Jace, anak. I'm here, iiyak mo lang ang lahat. Nandito lang ako." Si Ate Cherry pala.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang yumakap pabalik sa kanya na parang isang batang sabik na sabik sa pagmamahal ng isang magulang. "Miss ko na si Dad, Ate Che. Nasaan na ba siya? Pagkatapos mawala ni Jay, at mamatay si Mom, parang wala na lang din ako para sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan, hindi ko siya maintindihan! Bakit hindi siya nagpaparamdam? Bakit hindi pa siya umuuwi? Nakalimutan niya na ba ako?"
"Buong buhay ko, pinagsisisihan ko naman ang pagkawala ng kapatid ko. Nagsisisi ako! Humingi na ako sa kanila ng sorry nang paulit-ulit pero hindi ko alam kung napapatawad ba nila ako. At simula nang mawala si Mom, hindi ko na alam.. hindi ko na alam ang gagawin. Nawala na rin si Dad pagkatapos nu'n. Hindi na niya ako pinapansin, hindi na niya ako kinakausap, parang naging hangin na lang ako! Ang bata ko pa nang mga oras na 'yun, hindi niya ako inalagaan, hindi niya ako inasikaso; kailangan ko siya pero nagising ko na wala na siya dito sa bahay. Ako na lang mag-isa. Hanggang ngayon, mag-isa pa rin ako. Ate Che, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapapatawad ang sarili ko. Napapagod na 'ko, napapagod na 'kong magpanggap na hindi ko siya kailangan. Gusto kong makita si Dad, gusto kong makasama siya para kahit papaano ramdam kong buo pa rin kami ng pamilya ko."
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...