Chapter 27
The Last RekindleMALAKAS PA rin ang pagbuhos ng ulan na sinasabayan ng sunud-sunod na mga pagkulog at pagkidlat. Wala ni isa ang nagsasalita sa tatlo. Panay ang paghikbi nila habang nakatulala sa madilim na kalsadang kinaroroonan nila. Magkayakap si Hani at Aria sa likod ng kotse habang si Mayi naman ay nakatingin lamang sa kanyang unahan.
"W-We need to go back and save Punch," pagbasag ni Hani sa katahimikan.
"He's dead, Hani," tugon lamang ni Mayi nang hindi ito nililingon.
Mas lalong napayakap nang mahigpit si Hani kay Aria. "No, he's still alive! We can still save him. Let's go back! Turn your car around, Mayi, please? Please?"
"Punch is dead, he's dead! Fuck! Fuck, fuck, this is all our fault!" giit naman ni Mayi at napahiyaw na rin dahil sa labis na pag-iyak. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha at mahigpit na napahawak sa manibela. She swallowed the lump on her throat and tried to compose herself. "Let's save Jace, instead. Let's go save him. That's the one thing that Punch wants."
Napabitaw si Hani mula sa pagkakayakap ni Aria sa kanya at umiling-uling. Hinawakan niya si Mayi sa braso nito na animo'y pinipigilan ito. "No, no. Let's go back to Punch. Let's go back to them!"
Iwinakli ni Mayi ang kamay ni Hani. "I said no," giit nito at agad na pinaandar ang makina ng kotse.
Dahil sa labis na pagkataranta, binuksan ni Hani ang pinto ng kotse at lumabas mula dito. Umuulan man, hindi nito alintana ang kanyang pagkabasa bagkus ay tumakbo ito sa kabilang direksyon ng kanilang patutunguhan.
"Gosh! Hani. Oh, my gosh! Mayi, lumabas si Hani!" bulalas ni Aria nang sandaling mawala si Hani sa kanyang tabi. Walang anu-ano'y binuksan niya rin ang pinto ng kotse at hinabol ang kaibigan.
Napasinghal na lamang sa hangin si Mayi at binaling ang tingin sa side-view mirror ng kotse kung saan nakita niya ang dalawang kaibigan na basang-basa sa ulan. Nagtatakbo ang mga ito at maya-maya, nakita niyang napaluhod sa lupa si Hani. Agad naman itong inalo ni Aria na siyang basang-basa na rin dahil sa ulan.
Napakapit nang mahigpit si Mayi sa manibela ng kanyang kotse dahil sa labis na pagkainis. Napairap na lamang siya at napamura sa kanyang isip. Dali-daling lumabas din syang ng kotse at pinuntahan ang dalawa. "Can we go back to the car, you bitches! Walang mangyayari kung tatakbuhin niyo 'yang daan pabalik."
Napaangat ng tingin sa kanya si Hani. Bakas sa mukha nito ang labis na desperasyon. "Let's go back to Punch, please."
"Hani, stop it na. Mayi is right, he's dead na. Punch is gone," pag-iyak ni Aria.
"No," giit ni Hani at marahas na tumayo. "Let's go, Ari. Let's go!"
Naiwan namang nakatayo si Aria sa gilid ni Mayi habang nakatingin lamang sa kawawang si Hani.
Muling napairap si Mayi at agad na hinawakan sa magkabilang braso ang kaibigan. "Hani. Hani, you need to calm down. We can't just go back dahil malayo na tayo sa bayan."
Nanlulumong napatingin sa kanya si Hani habang wala pa ring tigil sa pag-iyak. Bakas sa mukha nito ang labis na panlulumo sa nangyari kay Punch. "Mayi, I'm sorry. I'm so sorry," paulit-ulit niyang saad ito at biglang napayakap.
Wala namang ibang nagawa si Mayi kundi ang saluhin ang kaibigan. Maging siya ay nalulungkot din dahil sa mga nangyari at kahit naiinis siya sa kaibigan ay hindi niya maiwasang hindi maawa sa sitwasyon nito. She's so messed up, she can't compose herself anymore. Alam niya na kaya ito nagkakaganito dahil hindi niya matanggap na siya ang may kasalanan ng lahat ng nangyari. Hindi rin naman magawang maisisi ni Mayi ang lahat sa kanya dahil alam niyang kasalanan nilang lahat ang nangyari.

BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mister / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...