Jiro: Warning, this might contain sensitive content. The scenes might affect you psychologically and emotionally. Please be warned.
...
The Missing Files
The Lost Ones (Part 1)
"The Dimsdale Monster is Back"Anime Mendoza
SOBRANG LAKAS ng tugtugan sa isang parte ng kakahuyan ng Dimsdale. Nagkakasiyahan ang mga kabataan na animo'y nakawala sa kanya-kanyang mga kulungan. Malalim na ang gabi at hindi alintana ng lahat ang tumatakbong oras.
Nakaupo lamang ang dalagang si Anime sa isang malaking putol na sanga ng kahoy at masayang pinapanood ang kanyang mga kaibigan na nagtatawanan sa harap niya. Inuusig man siya ng takot dahil sa nangyari kani-kanina lamang, pinilit niya pa ring iwakli ito sa kanyang isip. She got a missing poster telling her disappearance today. Sino ba namang hindi matatakot? Pero sa isip-isip niya, baka may nangti-trip lang sa kaniya. So, she why not attend this party hosted by Mayi? She hates her, but whatever. Kailangan niya lang magsaya at kahit papano'y makalimutan ang kung anumang nag-aabang na trahedya sa kaniya — kung mayroon man. Isa pa, kanina pa siya naghihintay ng oras, wala namang ibang nangyayari. Baka nga prank lang ang missing poster na 'yun.
"Hey, Ani. Why the long face? Tara, sumali ka sa'min!" yaya sa kaniya ng kaibigan na sumasabay ang katawan sa malakas na tugtugan. "Nandito si Percy! Hindi ba't crush na crush mo 'yun?"
Naramdaman ni Anime ang pamumula ng kanyang mukha. "Hindi ah!" pangsisinungaling niya.
"Really? Kaya pala kanina mo pa siya sinusulyapan!" pang-aasar nito saka sinundan ng malakas na halakhak. "Come on, lapitan natin siya!"
Agad naman iwinakli ni Anime ang kamay ng kanyang kaibigan. "Tere, ayoko. Nakakahiya! Hindi naman ako magugustuhan ng isang 'yun! There's Mayi, at ayokong makigulo pa sa kanila."
"Come on, lalapitan lang naman natin. Just say hi," giit ni Tere.
Umiling si Anime. "Ayoko talaga, Tere. Kung gusto mo ikaw na lang. Crush mo rin naman 'yun e."
"No way highway! Yes, he's hot and cute, but nah. Di ko type!" pasaring ni Tere at agad namang lumayo na sa dalaga. "Stop calling me, Tere, Ani! I told you, it's Theresa. Malalaki na tayo para magtawagan ng nakakadiring nicknames!" dagdag pa nito at muling tumawa nang malakas, saka umalis sa harap ni Anime.
Naiwang nakaupo si Anime sa kanina niya pang kinaroroonan at pinagmasdan lamang ang paligid. Parang mga hayop na nakawala sa hawla ang lahat. Iniisa-isa niyang tingnan ang bawat tao sa paligid at natatawa na lamang siya sa mga itsura nito. Sa kabilang banda, iniiwasan niyang tingnan ang isang tao na nahahagip ng kanyang tingin — si Percy.
Sa totoo lang, kanina niya pa ito tinitingnan kasi kahit anong pag-iwas ng tingin ang gawin niya, tila hinihila naman ng kung anong pwersa ang kanyang paningin para titigan ito mula sa kinaroroonan niya. Nakatayo lamang ito sa harap ng isang kaibigan nito at masayang nakikipag-usap. Nakakatuwa siyang pagmasdan dahil sa ngiti nito. She couldn't resist it! Kung titingnan, sobrang nakakatakot si Percy dahil sa dating nito. Mysterious. Handsome. For her, those are two words that best describes this Percy guy. He's very attractive but that's pretty subjective.
She was mesmerized by his looks. Hindi niya namalayan na nakatingin na ito sa kaniya. In just a snap, she felt his glance darted over at her, and she felt her cheeks grow red. Agad na napaiwas siya nang tingin at hindi niya alam ang kanyang gagawin.
"Oh my God, oh my God." Panay ang pag-chant niya sa kanyang isip dahil sa kahihiyan. Gusto niyang umalis, gusto niyang tumakbo pero hindi niya magawa dahil natatakot sya na baka masyado siyang halata.
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...