Chapter 13
The End"DIMSDALE HILLS Police Department."
Binasa ng taong nakatayo sa harap ng police station ang mga salitang naka-ukit sa karatulang semento.
Suot nito ang isang itim na hoodie at itim na sumbrero na siyang nagtatakip sa kanyang mukha. Nakatanaw lamang siya sa salaming pintuan ng police station kung saan kita niya ang loob nito. Malalim na ang gabi kaya't wala nang tao sa paligid, maging sa loob ng police station ay kaunti na lamang ang nandito.
Maya-maya, hindi niya inaasahan ang paglabas ng dalawang matabang pulis na masayang nagkekwentuhan. Agad siyang kumaripas ng takbo sa pinakamalapit na nagtataasang halaman at nagtago dito. Mabuti na lamang at sobrang dilim ng paligid kaya't hindi siya napansin ng mga ito. Nang makalampas ang mga ito, agad siyang nagtungo sa likod na bahagi ng estasyon. Tumingala siya at agad na dahan-dahang umakyat sa bintana ng banyo na kaniyang nakita.
Nang tuluyan siyang makapasok sa banyo ng pulisya, agad niyang inayos ang kanyang kasuotan. Pinasok niya ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon upang siguraduhing may laman pa ito. Nang makapa ang mga bagay na nandito ay mabilis ngunit dahan-dahan siyang lumabas ng banyo. Sumilip muna siya sa bawat pasilyo ng police station upang siguraduhing walang ibang makakakita sa kaniya.
Walang ibang tao sa bawat pasilyo kaya't hindi niya maiwasang mapangiti. Well, bukod sa dalawang pulis na masayang nagkekwentuhan sa bungad ng nasabing lugar. Dali-dali siyang nagtungo dito at laking tuwa niya nang makita ang dalawang baso ng kape sa lamesang nandito. Kung tama siya, pagmamay-ari ang mga ito ng dalawang pulis. Dahan-dahan siyang lumabas sa pinagtataguan niya at agad na lumapit sa dalawang baso ng kape. Dali-dali niyang ipinuslit ang mga tableta ng Zopiclone mula sa kanyang bulsa. Matapos lagyan ng tig-dalawang tableta ang mga baso ay mabilis siyang tumakbo pabalik sa kaninang pinagtataguan niya.
Makalipas ang isang oras ng paghihintay, nakarinig siya bigla ng mga kalabog. Dahan-dahan siyang sumilip sa kinaroroonan ng mga pulis at natuwa siya nang makitang nakabulagta na ang mga ito sa sahig. Lumabas siya ng pinagtataguan niya nang may pagmamalaki at agad na kinuha ang mga susi sa pantalon ng isang pulis. Naglakad siya sa kabilang direksyon ng pulisya kung nasaan ang hinanap niya.
Nang marating ang kwartong kinaroroonan ng kanyang hinahanap, agad siyang pumasok dito at bumungad ito sa kaniya. Wala itong malay kaya't nadismaya siya nang kaunti. Pero kahit ganu'n, kusang gumuhit ang isang malapad at malademonyong ngiti sa kanyang mukha.
Lumapit siya dito at agad na hinaplos ang pisngi nito. Inilapit niya ang kanyang mukha dito at bumulong sa tainga.
"Hindi ka sana madadamay kung hindi mo sinira ang perpektong plano ko."
...
Three days later. . .
"AS PART of your assessment, you need to finish all these exams. Isa 'yan sa mga requirements na kailangan mong tapusin para makapasok ka na sa next quarter."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang ibigay sa'kin ni Teacher Solde ang sandamakmak na mga papel. "Ma'am naman, seryoso ka po ba? Kagigising ko lang mula sa tatlong taong pagkakatulog, kakayanin po ba ng utak ko 'yan?" agad kong tanong habang nakangiti nang malapad sa kaniya at papikit-pikit pa ang mga mata ko.
Lintek! Ni minsan, hindi ko na-imagine ang sarili kong magpapa-cute ako nang ganito. Sa teacher ko pa. Mahiya ka nga, Jace!
Huminga nang malalim si Teacher Solde at ngumiti nang pilit. "Mr. Jace Jeremias, you're cute but nice try. Alam kong gumagana nang maayos 'yang utak mo kaya hindi ka makakalusot sa'kin."
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...