Chapter 15: The Dimsdale Lake

80 10 35
                                    

Chapter 15
The Dimsdale Lake

    "MAYI, TELL us what's happening!"

    Paulit-ulit kong tinatanong si Mayi ngunit hindi siya kumikibo. Aligaga pa rin siyang nagtatakbo papasok ng ladies' room at isa-isang binuksan ang mga cubicles dito. Maging kami ay ganun din ang ginagawa dahil na rin siguro sa labis niyang pagkataranta. Lahat na ata ng comfort rooms sa buong campus ay napuntahan na namin, ito na ang pang-huli.

    Maya-maya, narinig kong sumigaw si Percy, kaya napalingon ako sa kanya. Hawak niya si Mayi sa magkabilang balikat nito at diretsong nakatingin sa kanya. "Mayi, calm down. You need to calm down. Tell us what happened. Where's Amy? What happened to her?"

    Maging si Jonas ay napatigil din sa paghahanap at natuon ang atensyon sa kanilang dalawa. Hindi sumagot si Mayi kundi ay umiyak lamang ito habang nakatungo. Panay lamang ang kanyang paghikbi.

    "Mayi, please? Tell us what happened," walang emosyong pagmamakaawa ni Percy. "Hindi natin sya mahahanap kung iiyak ka lang nang iiyak."

    Umiiyak man, pinilit na magsalita ni Mayi. "I talked to him. . . H-He called me."

    "Sino?" tanong ko.

    "The D-Dimsdale Monster. He got Amy! He'll hurt her!" bulalas ni Mayi. "N-Natatakot ako! Nakakatakot siya. Hanggang ngayon, naririnig ko ang malalim niyang boses. Parang galing sa ilalim ng lupa, parang demonyo!"

    "Saan daw natin siya makikita? Bakit nandito tayo sa CR?" tanong kong muli.

    "S-Sabi niya, makikita ko si Amy sa lugar kung saan nagsimula ang lahat," malamyang sagot ni Mayi. "Hindi ko alam kung anong lugar ang tinutukoy niya pero ito ang unang pumasok sa isip ko. Sa CR kasi kami unang magkakilala ni Amy noong mga bata pa lang tayo."

    Napabuga ng hangin si Jonas. "Akala ko ako lang ang weird dito," natatawang sambit niya. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

    "Pero wala siya dito, Mayi. Nasuyod na natin ang lahat ng comfort rooms, hindi natin siya nakita. Baka hindi ito 'yung lugar na tinutukoy niya, baka may iba pa. Mayi, you need to think—"

    "Naisip ko na lahat ng pwede kong isipin, Jace! Hindi ko na alam ang gagawin!" giit ni Mayi at muling nagsimulang umiyak. "Iligtas natin si Amy. Help me find her, please!"

    "Mayi, you need to think of another place na tinutukoy ng killer. That's the only key! We can't find her if we don't know where to find her," saad ni Percy.

    Umiling lamang si Mayi. "I don't know anymore. I don't know! Wala siguro akong kwentang kaibigan! Shit. Wala na akong ibang alam tungkol kay Amy," iyak niya. "We're friends, but she rarely talks about her personal life. Nagsimula lang naman kaming maging magkaibigan talaga simula nung. . . nung. . ."

    Biglang natigilan si Mayi sa pagsasalita na animo'y may pinipigilan siyang sabihin.

    "We need to find her. Let's go!" Napatingin si Percy sa kanyang relo. "Malapit nang dumilim, we need to hurry! Mas mahihirapan tayong maghanap kapag dumilim na."

    Akmang lalabas na sana kami ng CR na kinaroroonan namin nang mapansin kong nawala si Jonas. "Nasaan si Jonas?"

    Maya-maya, paglabas namin ay bigla siyang sumulpot sa harapan namin at humahangos. Napasandal pa siya sa pader at pilit na hinahabol ang kanyang paghinga.

    "I think I know where to find Amy," singhal niya.

...

    "THIS IS carnapping! Pwede ko kayong idemanda! You make me drive against my own will! I can't believe I'm still friends with you—"

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon