Chapter 24: The Dimsdale's League of Monster Hunters

73 11 46
                                    

Chapter 24
The Dimsdale's League
of Monster Hunters

Few hours ago. . .

"IF SOMEONE'S framing up our Jace, how is that possible? Percy, hindi mo naman siguro in-edit 'tong mga pictures na 'to, 'di ba?" paninigurado ni Hani.

"Why would I do that?" pasaring ni Percy.

Ilang oras na ang lumipas simula nang arestuhin ng mga pulis ang kanilang kaibigan sa harap ng ospital ng Dimsdale. Sa hindi malamang dahilan, natagpuan ng apat ang kanilang mga sarili sa loob ng tahimik na apartment ni Percy. Nagtungo sila dito matapos nilang mag-isip ng lugar kung saan hindi sila masusundan ng kahit na sino. Nasa tagong lugar ng Dimsdale ang kinaroroonan ng apartment na ito kaya't sigurado sila sa lugar na 'to.

"Percy, aren't you afraid of this place ba? I mean, there are so many goons outside, like, sobrang scary nila! Gosh. Parang mambubugbog!" bulalas ni Aria habang iniikot ang kanyang paningin sa maliit na silid na kinaroroonan nila.

Malinis naman at maaliwalas ang silid na ito. Hindi mo nga lang aakalain dahil sa sobrang gulo at kalat sa labas ng apartment. Madilim ang daang kinaroroonan nito at may mga iilang mga lalaking nakatambay sa labas ng bawat apartment na nandito, dahilan para magmukhang nakakatakot ang lugar.

"It's very sad siguro to live alone in a place like this," saad ni Aria. "Nasan ang family mo, Percy?" pag-usisa pa nito dahil wala itong makitang kahit na isang picture frame sa lugar. Sa totoo lang, wala rin namang ibang gamit na nandito kundi pang-kusina lamang, higaan, at cabinet na pinaglalagyan ni Percy ng mga damit.

Umiling lamang si Percy. "They're gone. I have no one left. I don't want to talk about it."

"Aria, would you stop asking Percy? Mind your own business!" singhal ni Mayi.

Napalingon naman si Aria sa kaniya habang nakakapit pa sa strap ng kanyang yellow na shoulder bag. "What? I was just trying to make kilala of him. Because you know? Maraming times na sumasama siya sa friendship natin pero I barely know him. I didn't even know his favorite color."

"Bakit ba kailangan mo pa syang kilalanin?" muling bato ni Mayi.

Suminghal si Hani. "Nagseselos ka ba, Mayi? Ayaw mong may ibang kumilala sa kaniya, huh? Bakit? Takot kang maagawan? Ni hindi ka nga gusto ng tao, pinagpipilitan mo pa 'yang sarili mo."

Nagpantig ang pandinig ni Mayi sa kanyang narinig dahilan para mapatayo ito sa kinauupuan. Sa isang iglap, nakalapit siya sa dalaga. Akmang hihilahin na sana niya ang buhok nito nang biglang humarang sa pagitan nila si Punch at hinawakan siya sa braso.

"Punch, umalis ka sa harap ko kung ayaw mong matikman 'yung dulo ng heels ko! Napupuno na ako sa babaeng 'yan!" pasaring naman ni Mayi ngunit hindi nagpatinag si Punch.

"Hindi ba kayo titigil sa kakaaway? Hindi ba kayo napapagod?" saway ni Punch. "Girls, someone's trying to kill us and now, Jace's life will be miserable in just a snap! Pwede bang magfocus tayo sa problema na 'yun? Stop dwelling in your issues that much! At saka, ano bang nangyari sa inyong dalawa? Parang kamakailan lang, sobrang close nyo ha?"

Napatingin lamang si Mayi kay Punch at napairap. "You don't care. Bitiwan mo nga ako!" bulyaw niya at binawi ang braso niya sa pagkakahawak ng binata. "Siya ang pinaka-closeminded na taong nakilala ko. I can't believe we're friends before."

"Okay, hindi ko alam kung anong issues nyo sa isa't isa pero pwede bang makisama kayong dalawa ngayon? Kahit ngayon lang, please? For the sake of our fucking lives, for Jace," pakiusap ng binata.

"Fine," sabay na saad ni Mayi at Hani.

Huminga nang malalim si Punch at nilingon si Percy na nakatayo lamang sa isang sulok at nakatingin sa kanila. "Man, buti na lang pumayag kang tumulong kahit hindi ka naman kasali sa gulong 'to. Pasensya na talaga."

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon