Chapter 4: The Unexpected Slumber

90 15 29
                                    

Chapter 4
The Unexpected Slumber

    SOBRANG ABALA ni Jace sa banyo habang nagto-toothbrush. Hindi niya alam na kanina pa tunog nang tunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table niya. Nang matapos ayusin ang sarili, naghanda na siya para matulog. Kinuha niya ang kanyang cellphone na ngayo'y tumigil na sa kakatunog at nagulat siya nang makita ang mga missed calls galing sa kanyang mga kaibigan

    "Lintek. Ano namang kailangan ng mga 'to?" inis na usal niya.

    Magco-compose na sana siya ng mensahe nang bigla siyang makarinig ng kakaibang tunog dahilan para agad siyang mapapitlag sa kanyang pagkakahiga. Nagulat siya nang malamang galing ito sa salaming bintana ng kwarto niya, may nambabato nito. Agad siyang sumilip mula dito at nakita ang kaibigan niyang si Hani na ngiting-ngiting kumakaway sa kaniya, nakasandal ito sa nakaparadang sasakyan at kasama ang ilan nilang mga kaibigan.

    Otomatikong napakamot ng kanyang batok si Jace. Bubuksan na sana niya ang bintana nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

    Agad niya naman itong sinagot. "Hani, ano bang—"

    "Jaaaaace, my big bro!" Agad na bumungad sa pandinig niya ang nakakabinging boses ni Jonas dahilan para mapangiwi siya sa sakit. "Come on, it's party time! I miss you, I miss you!"

    "Bromance na naman kayo," sabat ni Amy mula sa kabilang linya. "Ackkk! Kadiri."

    "Ship!" sabay na sigaw ni Aria at Molly na sinundan naman ng tawanan ng lahat.

    "Anong—"

    "Hoy lalaki!" Si Hani. "Kanina pa kami tawag nang tawag sa'yo, ano bang ginagawa mo at hindi ka sumasagot?"

    Napatingin si Jace sa sariling repleksyon sa salamin at nakitang nakasuot na siya ng pajamas. Patulog na sana siya e, kaso bigla namang nangulit ang mga kaibigan niya.

    Tumayo siya at dumungaw sa bintana habang hawak pa rin ang kanyang cellphone malapit sa tainga niya. "Matutulog na sana ako. Ano bang meron at nanggugulo kayo?"

    "Party time, Jace!" Narinig niya sa kabilang linya ang sigaw ni Mayi.

    "We gonna be wasted, Jazen mah men!" sigaw din ni Punch. "Milo! Boy, gising! Hindi ka pa nga nakakainom, logtu ka na! Weak!"

    "Haniza, I can't. Inaantok na 'ko, plus first day of school bukas!" bulalas ni Jace.

    "Ang nerd mo talaga! Tara na, magbihis ka na. Bilisan mo!" pagpupumilit pa ni Hani sa kaniya. "Let's enjoy muna. Ikaw na rin ang nagsabi, first day of school bukas kaya for sure after ng gabing 'to, babad na tayo sa pag-aaral sa loob ng sampung buwan. Kaya halika na! Takasan mo na lang muna si Manang Cherry! Hindi 'yan magagalit."

    Muling napakamot si Jace ng kanyang batok at wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang kumilos. Ngunit bago niya ibaba ang tawag ay nagsalita siyang muli.

    "Gusto mo lang maki-party kasi kasama natin si Punch!" asar niya sa kaibigan. Mula sa kaniyang bintana, agad naman niyang nakita ang pamumula nito dahil sa hiya. Narinig niya rin ang asaran ng lahat kaya natawa na lang siya.

    "Pakyu ka! Nakakahiya!" mahinang sigaw ni Hani sa kaniya. "Humanda ka sa'kin!"

    Sinagot niya naman 'to ng dirty finger nang may malapad na ngiti at binaba na ang tawag.

...

    NANG MAKABABA sila ng sasakyan, agad na bumungad sa kanila ang mga nagkakasiyahang kabataan na sinasabayan ng napakalakas na tugtugan.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon