Chapter 26
The End of the Punchline"I CAN'T BELIEVE you can drive, Mayi. OMG, you're so amazing!"
"Pwede ba, Ari? Everyone can drive," pasaring ni Hani sa kaibigan. "'Wag kang masyadong ma-amazed. We're only seventeen! Baka mamaya mapahamak pa tayo at mabangga tayo."
Napaangat ng tingin si Mayi sa rear-view mirror ng kotseng minamaneho niya dahil sa naririnig na usapan ng dalawa sa passenger's seat. Hindi niya alam kung maiinis siya o ano pero hindi niya na lamang pinansin ang mga ito. Itinuon niya na lamang ang kanyang atensyon sa madilim na daang tinatahak.
"But really, Mayi? How did you learn driving ba?" pag-usisa pa rin ni Aria habang nilalaro ng kanyang mga daliri ang kanyang kulay brown na buhok.
"I asked my Dad to teach me how to drive because life is so complicated. If you know how to drive, then life will become convenient lalo na kung babae ka. I hate waiting for a cab or even booking for a grab. Hassle mag-commute lalo na kapag naka-heels ka plus andami pang manyak na drivers and other commuters," seryosong sagot ng dalaga. "Also, I want to be responsible for my own time, ayokong may naghihintay sa'kin. If I want to go somewhere, then I can wander anywhere, anytime."
"Ahhh," sagot lamang ni Aria. "You're so cool, Mayi!"
Si Hani naman ay bagsak-balikat na nakasandal sa bintana ng kotse at nakatanaw sa mga saradong establishments na nadadaanan nila. Medyo malalim na ang gabi kaya't wala na silang masyadong nakikitang mga bukas na tindahan at mga tao sa labas. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang araw niya. Kaninang umaga, ang tanging laman lamang ng kanyang isip ay kung paano mapapasaya ang kaibigang si Jace pero hindi niya akalaing aarestuhin ito dahil sa pag-aakalang ito ang pumapatay.
Yes, everybody saw him in the CCTV camera, standing and smiling towards it. Pero alam niyang hindi 'yun gagawin ng kanyang kaibigan. Jace is a good guy and he can't do such horrible things! Mga bata pa lamang sila, kilala na niya si Jace sa pagiging mabuting tao dahil wala itong ibang inisip kundi ang kapakanan ng iba. He grew up alone in their house, but that doesn't change his attitude towards another person. Isa pa, Ate Cherry really took care of him very well. He's kind, he's forgiving, he's understanding. He's a very adorable young guy. Sobrang mahal niya ang mga kaibigan niya kaya't kapag nalaman nito ang pagkakamaling nagawa nila three years ago. . . baka hindi nito kayanin.
At natatakot si Hani kapag nangyari 'yun. Hindi nya rin kakayanin kung magbabago ang tingin nito sa kanila. Sila na lang ang meron si Jace at hindi niya hahayaang maging miserable ang buhay nito dahil lang sa kanila. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya, maprotektahan lang ang kanyang kaibigan.
Maya-maya, napaangat siya ng kanyang ulo nang mapansing lumihis sila ng daan. Hindi ito ang mismong daan patungo sa mental institution kaya napatingin siya kay Mayi na seryosong nagmamaneho.
"Where are we going, Mayi? This isn't the right way, turn around! Turn around!" giit ni Hani habang matalim na nakatingin dito. "Are we going to Dimsdale Lake? I said, turn around!"
"Excuse me? I know what I'm doing," saad lamang ni Mayi at tumikhim. "Uhm, Aria?"
"Yes?" tanong ni Aria.
"I just want to add one more thing about driving. If you're driving a car, then it means you're the boss of the trip. You control the wheels, so you command the itinerary. And since I was the one who's driving this car, plus this is my Dad's, then I must say na let's use a shortcut!" sarkastikong dagdag pa nito.
Agad namang nakuha ni Hani ang tugon na 'yun kaya't napahalukipkip na lang siya at muling sumandal sa kinuupuan. "Whatever, napakayabang mo talaga kahit kailan. You haven't changed, still the Miss Know-It-All I know."
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...