Chapter 21: The Disastrous Mind

48 11 25
                                    

Chapter 21
The Disastrous Mind

    MULA SA pagkakaupo sa kaniyang higaan, tumayo si Jace at agad na napatingin sa pinto nang maramdaman niya ang isang presensya dito. Agad siyang lumapit at binuksan ito upang siguraduhin kung may tao ba o wala. Nang masiguradong wala namang ibang tao sa pasilyo ng palapag na kinaroroonan niya ay nagkibit-balikat na lamang siya at bumalik sa kwarto.

    "Pinaglalaruan na naman ata ako ng isip ko," bulong niya sa kanyang sarili.

    Naglakad siya sa bintana at tinanaw dito ang buong Dimsdale Hills. Kung tutuusin, sobrang liit lang ng lugar na 'to at hindi mo aakalaing nakakaranas ito ng isang malaking problema. Isang halimaw ang kinakatakutan ng mga tao ngunit hindi alam ng lahat na ang halimaw na 'yun ay naninirahan, hindi sa kakahuyan, kundi sa kanilang mga sarili mismo.

    And it's very funny how many people think that way. They go to many places to find mysteries, adventures, monsters. . . There are very few people who are going to look into the mirror and say to themselves, 'That person I see is a savage monster, a very dangerous monster,' instead, they make up some construction that justifies what they do.

    Biglang tumunog ang kanyang cellphone, dahilan para maantala ang kaniyang iniisip. Agad niya itong kinuha at sinagot, "Ate Cherry, bakit po?"

    "Anak, naasikaso ko na lahat ng babayaran natin dito sa ospital. Lumabas muna ako para bumili ng makakain natin bago tayo umalis. Hintayin mo muna ako diyan ah?"

    Tumango si Jace na animo'y kaharap nito ang kanyang Ate Cherry habang nakatanaw mula sa bintana. "Sige po, dito lang po ako."

    Napatingin siya sa oras, tanghali na pala. Ibinaba niya ang kaniyang cellphone sa lamesa. Hindi niya alam pero nang oras na gawin niya 'yun ay naramdaman niya na naman na tila may nagmamasid sa kaniya. Agad siyang lumingon sa buong kwarto ngunit wala namang ibang tao, kundi siya lang.

    Umiling siya habang nakapikit at paulit-ulit na sinasabi sa kaniyang sarili ang mga katagang, 'Jace, okay ka lang. Hindi ka nababaliw.'

    Huminga siya nang malalim at naalala ang kaibigang si Amy. Dito nga rin pala nakalagi ang kaniyang kaibigan, mabuti siguro ay bisitahin niya na lang muna ito habang wala pa ang kanyang Ate Cherry.

    Pumasok siya ng banyo upang ayusin ang kaniyang sarili.

    Nang makalabas siya, agad niyang inabot ang kanyang cellphone at tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya ay agad na tumambad sa kaniya ang isang salaming pinto ng kwartong kaharap ng kaniya. Agad niyang nakita ang kanyang repleksyon mula dito — suot ang isang kulay abong T-Shirt at itim na pantalon.

    Napangiti siya at sinabihan ang kanyang sarili ng, "Nice!" saka tuluyang tumungo sa sumunod na palapag.

...

    SOBRANG TAHIMIK ng pasilyo na kinaroroonan niya. Kakaunti lamang ang mga tao dito hindi tulad sa pinakaunang palapag. Ang tanging maririnig mo lamang ay usapan ng mga nagpapahingang nurse sa unahang bahagi ng nasabing lugar.

    Pasipol-sipol siyang naglalakad patungo sa kwarto ni Amy. Ngingiti-ngiti na animo'y labis ang kanyang sayang nararamdaman. Nakakasalubong siya ng ibang mga nurses; tinitingnan niya lamang ang mga ito at ngingitian. Wala naman siyang ibang maramdaman kundi kasiyahan kapag ngingitian siya ng mga ito pabalik, na animo'y nahuhuli niya ang mga puso ng mga ito.

    Nang tuluyang marating ang kwartong kinaroroonan ng kaibigang si Amy, dahan-dahan muna siyang kumatok nang tatlong beses. Naghintay siya ng sasagot mula sa loob pero wala namang tumugon. Unti-unti niyang binuksan ang pinto at nagpalinga-linga sa buong kwarto. Nakita niya si Amy na natutulog sa kama nito at nakakabit ang ilang mga aparato sa katawan nito. Agad siyang nalungkot nang makita ang kalagayan ng kaibigan kaya't tahimik siyang pumasok.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon