Chapter 19: The Mental Breakdown

64 12 12
                                    

Chapter 19
The Mental Breakdown

    UNTI-UNTI KONG idinilat ang mga mata ko. Sa umpisa, sobrang labo ng paningin ko dahil sa sobrang nakakasilaw na liwanag na naaaninag ko. Nang tuluyang luminaw ang nasa paligid, agad akong nagtaka nang makitang puro puti ang nakikita ko. Napalingon ako sa paligid at nakitang may doktor sa harap ko at isang nurse. Agad kong namukhaan ang doktor dahil siya ang nag-asikaso sa'kin noong unang araw na magising ako.

    "Doc, n-nasa ospital na naman ba 'ko?" tanong ko.

    Lumapit sa'kin ang doktor at agad na nagsalita. "Mr. Jeremias, can you tell me what happened?"

    Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang unang bagay na pumasok sa isip ko. "K-Kanina, nasa school lamang ako tapos. . ." Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng ulo ko. "H-Hindi ko na maalala. Ano pong nangyari? Pa'no ako napunta dito?"

    "Kanina?" Agad nakunot ang noo ng doktor. "Mr. Jeremias, you were asleep for one day already. Your friend told me you had panic attack again, mabuti na lamang at nadala ka niya dito sa DMH. Pang-ilang beses na ba 'tong attack mo?"

    Agad akong umiling. "H-Hindi ko po alam."

    "Mr. Jeremias, you should've been visiting me regularly but you were not attending your schedule."

    Napakagat na lamang ako sa labi ko. "Sorry po, nakakalimutan ko po kasi."

    "Were you stressed out these past few days?"

    Agad akong tumango bilang pag-amin. Hindi ko naman kailangang magsinungaling dahil sa dami ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

    Bumuntong-hininga siya at kinuha mula sa nurse ang isang folder. Agad niya itong binuksan at inusisa ang kung anumang nakasulat mula sa files na nandito. "You were comatose for a long time. Sa totoo lang, nakakatakot para sa isang tulad mong tatlong taong nakatulog ang makaramdam ng sobrang stress at pagod. Mabuti na lamang at malakas ka kung hindi, baka hindi mo kayanin ang muling bumigay ang katawan mo. The incident gave you minor brain traumatic injury and you might experience its effects. These effects might manifest soon and in long-term. If you have hallucinations, memory loss, muscle dysfunction, seizures, and panic attack, don't be afraid. That's normal sa mga taong may katulad mong cases."

    "You experienced panic attack yesterday, that's why you had chest pain, pounding heartbeat, difficulty breathing, trembling and excessive sweating. I want you to be honest with me, Mr. Jeremias. By any chance, were you experiencing memory loss, flashbacks or any dissociation these past few days?"

    Bigla kong naalala ang sinabi ni Percy sa'kin. Walang anu-ano'y bigla akong umiling at nagmaang-maangan. "Napansin ko lang pong naging makakalimutin ako nitong mga nakaraang araw. Pero wala naman pong alinman sa huling dalawa nyong binanggit."

    Lintek, hindi ako baliw. I can't say it. I'm mentally okay, I'm healthy! I'm completely fine.

    "I see." Tumango siya at may sinulat sa hawak niyang file saka ibinaling ang tingin sakin. "Mr. Jeremias, our brain is very powerful and sometimes, any severe emotions and too much stress can trigger it. If you experience reliving the moment of what happened to you many years ago or any dissociation — this is the feeling of getting out of your body as if you're watching yourself from afar, you need to immediately consult it to me. Is that clear?"

    Agad akong tumango.

    "Good. I suggest you to stay out of stress — any stress, Mr. Jeremias. Just relax yourself and take a deep breath always. Do what makes you happy and remember all the happy thoughts you have there in your memory bank. It would help you protect your brain from any disturbances," saad niya pa.

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon