Chapter 16
The ReceiverNAGLALAKAD AKO sa isang madilim na kakahuyan. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito pero parang tila kusang naglalakad ang aking mga paa papunta sa kung saan. Lakad lamang ako nang lakad, hindi ko alintana ang madilim na paligid.
Maya-maya, nakarating ako sa isang maliit na kubo. Diretso lanang ang tingin ko, nakakarinig ako ng sigaw ng babae mula dito kaya't agad akong kumaripas ng takbo. Hindi ko alam pero hindi maganda ang kutob ko sa lugar na 'yun.
Nang marating ko ang kubo, agad akong nagtungo sa gilid nito at nakita ang isang bintana. Puro man ito trapal, agad naman akong sumilip sa maliit na butas na nakita ko. Hindi ako sigurado sa ginagawa ko dahil pakiramdam ko, nilalagay ko ang sarili ko sa kapahamakan. Nang tuluyan akong makasilip, nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang babaeng nakagapos sa upuan. Wala itong malay, sugatan at maraming dugo sa katawan. Bukod dun, napansin ko rin ang dugong dumadaloy sa bibig nito, walang tigil na lumalabas ang dugo mula dito.
Patay na ba siya?
Maya-maya, bigla itong gumalaw. Agad akong nakahinga nang maluwag nang malamang buhay pa ito. Ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ko kung sino siya.
"Amy?"
Bigla akong nataranta. Walang anu-ano'y bigla ko siyang tinawag nang malakas at kumaripas ako ng takbo patungo sa pinaka-pintuan ng kubo. Natatakot man, tila kusang kumapit ang aking kamay sa pinto at nabuksan ko ito nang walang kahirap-hirap. Agad akong pumasok dito ngunit bigla akong natigilan nang bumungad sa'kin ng isang taong nakatalikod mula sa'kin.
"Sino ka? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" matapang kong saad.
Hindi siya umimik, bagkus ay narinig ko ang kanyang halakhak. Nakita ko ang isang crowbar sa gilid ko at agad itong kinuha. Dahan-dahan akong naglakad papalapit dito habang mahigpit na nakakapit sa malamig na crowbar. Nang malapitan ko siya, buong tapang kong inilapat ang aking kamay sa kanyang balikat. Nanginginig ang mga kamay ko ngunit nang mahawakan ko siya, marahas ko siyang hinila paharap sa'kin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili kong nakangisi sa aking harapan.
Nabitawan ko ang hawak kong crowbar at bumagsak sa sahig na siyang bumasag sa katahimikan ng paligid. Agad naman niya itong sinundan ng isang malademonyong halakhak. Tila nanlambot ang tuhod ko kaya't natumba ako mula sa aking pagkakatayo.
Maya-maya, biglang nagbago ang paligid at napunta ako sa Dimsdale Lake. Naguguluhan man, nagpalinga-linga ako sa paligid at laking gulat ko nang makita si Amy na iginagapos ng salarin sa malaking puno. Agad akong kumaripas ng takbo patalon sa tubig at aligagang lumangoy patungo sa kaniya upang iligtas ang kaibigan ko. Ngunit maya-maya, natigilan ako nang humawak sa'kin ang salarin. Muli kong nakita ang sarili kong nakatingin sa'kin at nakangisi.
Dahil sa labis na kalituhan, naramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo habang nasa gitna ako ng lawa. Tila pinupukpok ito ng sandamakmak na martilyo. Paulit-ulit, marahas, para itong mabibiyak sa sobrang sakit. Sigaw ako nang sigaw at marahas na napapikit lamang habang nakakapit sa aking sentido.
Maya-maya, natagpuan ko ang sarili ko labas ng aming bahay. May dalawang bata sa harap ko ang kapwa abala sa paglalaro. Ang isang bata ay napalingon sa'kin — ang nawawalang kapatid ko. Maging ang isang bata ay napalingon sakin. Kapwa sila nakangiti sakin at tinatawag ang pangalan ko pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.
Nagpabago-bago ang paligid na siyang dahilan ng lalong pagsakit ng ulo ko. Umiikot qng paningin ko. Hindi ko alam pero nakikita ko ang sarili ko sa harap ni Anime habang hinihiwa ko ang tyan nito, sa harap ni Jenny habang marahas na hinahampas ko ang ulo nito gamit ang baseball bat, at sa harap ni Kaye habang hinihila ko ang malamig nitong bangkay sa lupa. Nagpasirko-sirko ang paligid. Wala na akong ibang magawa kundi ang sumigaw nang sumigaw. Napatingin ako sa mga kamay ko at tuluyan akong nanlumo nang makita ang hawak ko. . . putol na dila. Agad akong napasigaw sa takot.
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Misteri / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...