Chapter 14: The Tongue-tied

87 12 36
                                    

Chapter 14
The Tongue-tied

     IISA LANG ang usap-usapan ng lahat ng estudyante sa campus ngayong araw. What happened to Kaye. . . that's cruel. What she did was so wrong. I mean, she didn't just punish the girls who bullied her for how many years. She murdered them, too. But being found dead, brutally murdered on a cold ground. . . fuck, that's fucking insane. Ni hindi ko alam kung paano nangyari 'yun. Hindi ba mahigpit ang pagbantay ng mga pulis sa kaniya? Dimsdale Hills, what a stupid place.

    "Alam ko kung ano'ng iniisip mo," seryosong saad ni Jonas.

    Agad naman akong lumingon sa kan'ya. "Ano?"

    Hindi siya sumagot agad, bagkus ay umakto siya na animo'y may iniisip. Maya-maya, bigla siyang ngumiti nang nakakaloko. "Iniisip mo kung ilang kwek-kwek ang ililibre mo sa'kin mamayang hapon."

    Agad ko namang nasapo ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. "Alam mo, puro ka kwek-kwek. Kaya mukha kang itlog e."

    "Sa pogi kong 'to? Mukha akong itlog?" bulalas niya.

    "Ah, mali. Alam ko na, Boi. Hindi ka mukhang itlog." Tumawa naman ako. "Mukha kang sibuyas!"

    "Ewan ko sa'yo! Alis na muna ako!" sabi niya at biglang tumakbo palayo sa'min. Ano nangyari dun? Napikon?

    "Mga men, 'wag na kayong lalabas nang gabi ha? Lalo na kapag mag-isa lang kayo. Grabe 'yung nangyari kay Kaye. Bali-bali ang buto!" paalala ni Punch.

    Agad naman siyang hinampas ni Molly sa braso. "Punch, ano ba? Pwedeng 'wag mo na ipaalala? Nakita ko sa dyaryo 'yung itsura ng sinapit niya kaya ayoko na sanang maalala pa. Natatakot ako!"

    "He's just trying to remind us to be careful, lalo na ngayon," pagsingit naman ni Milo.

    Ngumiti nang malapad si Punch at agad na lumapit dito saka umakbay. "Buti pa 'to si Milo, sumasang-ayon sa'kin. Pa-kiss nga!" biro pa niya. Akmang ilalapit na niya sana ang mukha niya sa pisngi ni Milo, ngunit agad naman itong natigilan nang dumampi ang palad nito sa kaniyang mukha.

    "Pucha, Punch. Kadiri ka! Walang ganyanan!" bulalas ni Milo kaya natawa na lamang ako. Ang ligalig ng mga 'to kahit kailan.

    Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Molly kaya agad akong napalingon sa kanya. "You know what, Guys? I think Kaye deserves what happened to her. After what she'd done to those girls. . . I don't think. . . I guess it's really better that's she's dead. Hindi lang isang tao ang pinatay niya, apat!"

    "Yeah, Molly," saad ni Punch. "Pero nagawa niya lang naman 'yun because of the pain and humiliation she suffered from them. But we should've just let the law punish her for what she have done. Nahuli na nga siya, hindi pa ba sapat 'yun? Kung sinuman ang pumatay sa kaniya, hindi niya dapat inilalagay sa mga kamay niya ang batas. That's wrong, mga tropa."

    Nagkibit-balikat si Molly. "Well, tell that to her burning soul in hell. She killed four people. Ni hindi ko nga naisip na kaya niyang gawin ang bagay na 'yun. Dinungisan niya ang sarili niyang mga kamay. Good thing, may gumawa rin nito sa kaniya."

    "How can you say that, Molly? Of all people, I never imagine to hear those words from you," Lane said in full of disappointment towards her friend. "People do bad things, we do terrible mistakes. That's normal because we're just humans, but we don't deserve to be punished like that!"

    Ngumisi si Molly na animo'y hindi natitinag sa sinasabi sa kaniya ng lahat. "And so are Cassie, Lou, Anrie, Rue and. . ." Bigla siyang tumingin sa direksyon ko. ". . .and Jace. Yes, we all know that those girls did very terrible things to her and to other students. But si Jace, Lane. . . our friend got involved in Kaye's fucking revengeful scheme three years ago. Bumalik pa siya ngayon to scare everyone here in Dimsdale. I guess I have the right to feel this rage towards her. Wala siyang kwenta."

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon