Jiro: This chapter is for flashback. Sensitive content ahead, tho. Be warned.
...
Chapter 32
The Little PrisonersTen years ago. . .
WALANG TIGIL sa pagsigaw ang anim na taong gulang na batang lalaki matapos siyang igapos ng isang ginang sa upuang kahoy. Basang-basang man ng ulan, hindi na niya ito alintana dahil sa kagustuhang makaalis sa lugar na pinagdalhan sa kaniya ng isang taong nakasuot ng itim na raincoat. Iyak siya nang iyak at pilit na nagpupumiglas.
"Ibalik niya ako sa kuya ko! Gusto ko nang umuwi!" paulit-ulit niyang pagsigaw. "Kuya! Nasan ka na ba? Tulungan mo ako! Kuya!"
Maya-maya, tumayo sa harap niya ang taong naka-raincoat dahilan para matigilan siya. Dahan-dahan nitong hinubad ang hood na nakatakip sa ulo nito at tumambad sa paningin ng batang lalaki ang isang ginang na nakangiti sa kanya.
Nakangiti man ito sa kanya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kilabot mula dito. Nakakatakot ang tingin nito mula sa malalaki nitong mga mata, na animo'y may gagawin itong hindi maganda sa kanya.
"Hello, little boy," bati nito sa kanya gamit ang mabagal at nakakakilabot na tono ng pananalita.
Wala pa ring tigil sa pag-iyak ang takot na takot na bata.
Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa kanyang baba. "Anong name mo, little boy?"
Hindi sumagot ang bata at mas lalong umiyak lamang. Nagpupumiglas siya at pilit na inalalayo ang kanyang mukha sa pagkakahawak sa kanya ng ginang.
Imbis na mainis, mas lalo lamang na ngumiti ang ginang dahilan para mas lalong mangilabot ang bata. "Okay, ako na lang muna ang magpapakilala sa'yo. Ako ang bago mong mama. Pwede mo akong tawaging Nanang. Simula ngayon, dito ka na titira sa maliit nating kubo — malayo sa mga tao. Simula ngayon, kami na ang magiging pamilya mo. Understand, little boy?"
"M-Mama?" naguguluhang tanong ng bata. Mas lalo itong umiyak. "Hindi pwede! Hindi ikaw ang mama ko! Isa lang ang mama ko. Gusto ko nang umuwi!"
Agad na natigilan ang bata sa pagsigaw nang makita niyang may hawak na matalim na kutsilyo ang ginang. Nakangiti pa rin ito sa kanya ngunit mas lalong nangilabot ang bata. "Dito ka na, little boy. Listen to Nanang, okay? Ngayon, sabihin mo sa'kin kung anong pangalan mo."
Napalunok ang bata dahil sa labis na takot. "J-Jay Jeremias po."
"Baby Jay. Again, you can call me Nanang. Kami na ang magiging pamilya mo simula ngayon. Naiintindihan mo ba?" tanong ng ginang. "Ipapakilala ko sa'yo ang magiging kuya mo."
Natigilan ang batang si Jay nang banggitin nito ang salitang 'Kuya.' Hindi niya maiwasang mas lalong maiyak nang maalala si Jace na kasama niya kani-kanina lamang. Nag-aalala siya para dito dahil paniguradong hinahanap na siya nito. At kapag hindi pa siya nakauwi, pareho silang malalagot at papagalitan sila nila Mom at Dad.
Maya-maya, nakita niya ang isa pang batang lalaki sa harap niya — walong taong gulang. Nakatayo ito sa tabi ni Nanang at seryosong nakatingin lamang sa kanya na animo'y inuusisa siya.
"Ito si Perseus. Simula ngayon, siya na ang magiging kuya mo. Tawagin mo siyang Kuya Perseus." Nilingon ni Nanang ang batang si Perseus at hinila palapit kay Jay. "Magyakapan kayo bilang magkapatid."
Walang anu-ano'y sinunod ni Perseus ang sinabi ni Nanang. Wala nang nagawa pa si Jay kundi ang mas lalong umiyak dahil sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Misterio / SuspensoJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...