Chapter 11
The Monster They Created (Part 2)"WHERE'S AMY? Where is she? We need to go back!"
Kanina pa aligaga si Mayi kakahanap kay Amy pero wala kaming magawa kundi ang manatili sa likod ng lumang cabinet na pinagtataguan namin. Hindi kami makalabas sa building na 'to dahil naka-lock ang mga posible naming labasan. Wala kaming magawa kundi ang magtago dito na parang mga duwag. Wala kaming armas, wala kaming kahit na ano. Ilang beses na naming sinubukang humingi ng tulong sa pamamagitan ng cellphone pero wala kaming napala. Nabasag ang cellphone ni Mayi kanina, ang kay Jonas naman ay lowbatt, samantalang ako ay walang dala.
"Bro, ang tagal ni Percival. Bakit natagalan na siya?" pag-aalala ni Jonas. "Naji-jingle na ko!"
"Edi umihi ka muna dyan!" giit ni Mayi.
Tama si Jonas. Masyado na'ng mahaba ang oras na wala si Percy. Umalis siya kanina at nagpaalam sa'min na maghahanap ng ibang daan para makalabas kami. Sinigurado niya naman na hindi niya hahayaang mahuli siya ng salarin kaya pumayag kami. Pero ngayong wala pa siya, I guess that wasn't a good idea na hayaan siyang umalis.
"We can't just sit here like some ducks, guys! We need a plan. Nasaan na ba si Percy?" giit ni Mayi. "I miss him! I mean, I'm worried about him."
Hindi namin siya sinagot. Percy will be here in a minute, just give him some time.
Palalim nang palalim ang gabi, hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado akong lumipas na ang hatinggabi. Sobrang tahimik ng paligid, tanging paghinga lamang namin at tunog ng mga kuliglig ang naririnig ko.
Kaninang umaga, nang imulat ko ang mga mata ko, hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. Basta ang nasa isip ko lamang ay ang tanging pag-asa na matapos na ang lahat ng patayan. Pero ngayon, nandito kami sa school building. . . kasama sa loob ang isang halimaw na handa kaming patayin anumang oras.
Naalala ko ang itim na pigura kanina. Nakatayo lamang siya at nakatingin sa'min na animo'y hinihintay ang aming sunod na gagawin. Matagal kaming nakatitig sa kaniya at bago kami kumaripas ng takbo, napansin ko ang suot niya. Madilim ang buong paligid ngunit may iilang liwanag na nanggagaling sa mga ilaw sa labas, na pumapasok sa building na kinaroroonan namin. Napansin kong nakasuot siya ng itim na hoodie at itim na pantalon. Nakatakip ang kanyang mukha kaya't hindi namin nakilala kung sino siya. Humakbang siya at naglakad papalapit sa'min. Agad kaming kumaripas ng takbo ngunit makalipas ang ilang minuto, tanging mga yabag na lang namin ang aming naririnig. Hindi na niya kami hinahabol. Hindi ko alam pero may kakaiba akong kutob.
"Pst!"
Bigla akong napabalikwas nang makarinig ako ng isang sitsit. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid at hinanap kung saan 'yun nanggaling. Bigla naman itong nawala at muling namayani ang katahimikan sa paligid. Maya-maya, muli ko itong narinig. Tumayo ako at sinubukang hanapin kung saan ito nagmumula.
"Bro, saan ka pupunta?"
Narinig kong bulong na sigaw ni Jonas sa'kin. Hindi ko naman siya pinansin at sinabing, "Shh. D'yan lang kayo ni Mayi, may titingnan lang ako saglit. 'Wag na 'wag kayong aalis diyan."
Lakad lamang ako nang lakad habang hawak ang flashlight, pero iniingatan ko pa rin na hindi gumawa ng kahit na anong ingay. Sunud-sunod kong naririnig ang pagsitsit, parang dinadala ako nito sa kung saan. Ewan ko ba pero pamilyar ito at parang nangyari 'to na sa'kin.
Sa paglalakad ko, natigilan ako nang biglang tumigil ang naririnig kong mga sitsit. Nagpalinga-linga ako sa buong paligid at napagtanto kong malayo-layo na ako sa pinagtataguan namin. Agad na gumapang ang kaba sa aking dibdbi dahil baka maligaw ako at hindi na ako makabalik. Naglalakad-lakad ako nang kaunti at laking gulat ko nang makita ang isang babae di kalayuan sa'kin. Lintek, ito na naman tayo.
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Misteri / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...