Chapter 30: The Disappearance of Joy Catulay

48 12 72
                                    

Chapter 30
The Disappearance of Joy Catulay

"LOOK AT HER, she's so weird!"

"Never ko pa siyang narinig na nagsalita. Is she mute or something?"

"She's Joy. She just moved here in Dimsdale."

"Bro, crush ka ata ni Joy. Kanina pa nakatingin sa'yo!"

"Magsalita ka nga, Joy! Lumaban ka! Labanan mo kami!"

"Let's help her!"

"Hey! Stop that!"

Sari-saring alaala ang rumehistro sa isipan ni Jace habang nakatingin sa mukha ni Jay. Hindi niya maipagkaila na kamukha nga ng kilala niyang Joy ang ngayong nasa harap niya.

Muling nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Jace dahil sa napagtanto. Matagal na niyang nakakasama ang nawawala niyang kapatid sa katauhan ng isang babae at hindi niya 'yun alam. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng ilang taon, nakasama niya ito nang hindi niya alam.

Nagsimulang muling tumulo ang luha sa mga mata niya dahil sa labis na katangahan. "Jay! I'm really sorry. Sobrang tanga ko para hindi ka makilala!"

"Sorry, Kuya? Hindi mo alam ang lahat ng pinagdaanan ko!" hiyaw ni Jay.

"I know, I know. Kasalanan ko ang lahat," iyak ni Jace. Labis-labis ang kanyang panlulumo. "So please, 'wag mong sasaktan si Hani. Kaibigan ko s'ya. Ako ang saktan mo, 'wag siya. 'Wag mo siyang idamay."

"J-Jace. . ." usal ni Hani.

"Please, ako ang saktan mo. Kaibigan ko siya! 'Wag siya, wala siyang kinalaman dito! Bakit mo ba ginagawa 'to? Kung ikaw ang pumatay sa mga kaibigan ko, bakit? 'Wag mong gagalawin si Hani, siya na lang ang natitira sa'kin!" pagmamakaawa pa ni Jace.

"Why not? Ayun nga 'yung plano ko simula pa lang e!" Matalim na napatingin si Jay sa kanyang kapatid habang nakatutok pa rin ang patalim kay Hani. "And oh, you still didn't know how horrible this girl was? Kuya, pareho lang kayong makasarili. Hindi mo kilala ang sinasabi mong kaibigan. Masamang tao 'tong isang 'to!"

"Jace, no! 'Wag kang maniwala sa kanya. Mahal kita, Jace. Mahal na mahal kita higit pa sa isang kaibigan kaya't gagawin ko ang lahat para sa'yo! Kahit ano. . . Maniwala ka sa'kin!" pag-iyak ni Hani. "Mahal na mahal kita, Jace. Please, believe me!"

Sarkastikong napatawa si Jay dahil sa narinig. "Oh, Kuya. Oo nga pala, she just confessed to me. Akala niya ako ikaw! Fuck! She even kissed me for fuck's sake! Hindi ko alam na ganun kasarap ang mahalikan ng isang babae!" Humalakhak pa ito.

Agad na napahiyaw dahil sa labis na kahihiyan si Hani at napaiyak na lamang. "I'm sorry, Jace. I'm sorry! I didn't know, akala ko ikaw siya, akala ko. . . Jace, I love you ever since."

Agad namang nakunot ang noo ni Jace. "You love me?"

Napahalakhak nang malakas si Jay. "How pathetic, bitches! Alam nyo hindi naman kayo ililigtas ng pagmamahal na 'yan e. Dahil sa labis na pagmamahal, napahamak ng putang ito ang ibang tao! Napahamak niya ako, napahamak niya ang lahat ng kaibigan nyo!"

"Jace, no. Please, don't listen to her! H-Hindi ko sinasadya. What happened to Joy three years ago. . . Jace, it was an accident! It was an accident!"

Labis ang kalituhan ni Jace sa naririnig mula kay Hani. Wala na siyang ibang magawa kundi ang mapatingin nang papalit-palit sa dalawang taong nasa harap niya.

"Anong sinasabi mo?"

Napatikhim si Percy na ngayo'y nakatayo pa rin sa likuran ni Jace at nakatutok ang patalik dito. "Jace, hindi mo pa rin ba alam? O sadyang naalog talaga 'yang utak mo kaya hindi mo ma-absorb ang lahat? Hani, and all of your friends. . . they are the reason why Joy Catulay disappearead three years ago. Hindi nila sinasabi sa'yo dahil—"

Joy Has GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon