Chapter 20
The Real MonstersTILA BINUHUSAN ng malamig na tubig ang buo kong katawan nang mapagtanto ang sinabi ni Punch. Tatlong taon nang patay si Charity? Niloloko nila ako. Imposible naman ata 'yung sinasabi nila. Ilang beses ko nang nakita 'yung taong 'yun nitong mga nakaraang araw, sumasama pa sa'min sa school. Paanong patay? Paano nangyari 'yun? Isa pa, kung patay na siya. . .sino ang kausap ko kagabi?
"She committed suicide three days after Joy went missing. Emily left her and our group, treated all of us as if we weren't friends. After that, Charity tied a rope around her neck and hanged herself inside her room. Her parents found a note on her bed saying she needed to bid goodbye because she can't stand any of it anymore," paliwanag ni Hani. "She became depressed. H-Hindi na niya nakayanan. . ."
"Shit," I cursed. Bigla akong nanlumo sa sinabi niya.
Is that the reason why I could feel her pain and despair when she was talking to me last night? She killed herself, she ended her own life. Charity. . . I may not know her pero isa siya sa pinakamasayahing taong nakilala ko. Somebody could've helped her. Somebody could've do something about what she feels.
"Lalabas muna ako. . ." pagbasag ni Jonas sa katahimikan.
Walang anu-ano'y tumayo siya at lumabas ng kwarto nang hindi kami nililingon.
"Anong nangyari du'n?" tanong ko. Nagkibit-balikat lamang sila.
"Man, baka naman nananaginip ka lang o kaya pinaglalaruan ka naman ng utak mo? 'Di ba sabi ng doktor, posible 'yun dahil sa pagkakabaril sa'yo?" kunot-noong tanong ni Punch.
Marahas na napailing ako. "H-Hindi. Nakita ko talaga siya, kinausap ko siya kagabi. Bukod pa dun, ilang beses ko na rin siyang nakita at nakausap. Hindi lang kagabi! Ilang beses ko na rin siyang nakita kasama nila Mayi, kinausap niya pa ako at hinahanap sa'kin si Jonas!" giit ko sa kanila, pero nakatingin lamang sila sa'kin na animo'y hindi sila naniniwala sa sinasabi ko.
"Oh," sambit ni Aria na animo'y may naalala. "I remember noong gabing nasa back tayo ng school. You tried to do a rollcall, and tumawa kami kasi you included Charity. Akala ko you're just making us laugh kaya we laugh din. Gosh, you saw her talaga that time? That's scary!" tanong niya habang nakatingin sa'kin nang may pagdududa.
Tumango lamang ako at hindi naman na sila sumagot. Nakatingin lamang sila sa'kin na parang gusto nilang sabihin saking nababaliw na ako. Ramdam ko sa bawat tingin nila na hindi sila naniniwala. Naiinis ako, hindi ko mapigilang hindi mainis. Ganito pala ang pakiramdam na parang walang naniniwala sa'yo kahit alam mong totoo ang sinasabi mo. Pero sa totoo lang, kahit ako, hindi ko alam kung paniniwalaan ko bang nakita ko ba talaga si Charity at kinausap. Lintek, hindi ako baliw!
Tumayo si Hani at lumapit sa'kin. "Jace, I think you really need a rest. 'Wag ka munang pumasok, please?"
Umiling ako. "Hindi lang 'yun. . ." Hindi ko alam kung sasabihin ko na 'to pero bahala na. "Nakikita ko rin si Joy. Ilang beses ko na siyang nakikita. But unlike Charity, hindi niya ako kinakausap. Madalas ko lang siyang nakikita sa malayo at nakatingin sa'kin."
Nakita ko ang kanilang mga tingin at pansin kong namumutla na rin sila. Magsasalita pa sana si Hani nang pigilan ko siya. "Alam ko 'yang sasabihin nyo. Three years nang nawawala si Joy at hanggang ngayon hindi pa rin siya nakikita. Hindi ako nababaliw. Ano ba kasi ang totoo? Nawala ba talaga siya? O may pumatay sa kaniya? Sino ba talaga dito ang nababaliw? Ako ba? O kayo? Guys, mga kaibigan ko kayo. Nawala lang ako, parang hindi ko na kayo kilala!"
"T-Tama na. . ." mahinang sambit ni Aria.
Napatayo si Punch at maging siya ay lumapit na rin sa'kin. "Man, walang nagsasabing nababaliw ka. Just take a rest. Your brain might be creating mess inside your head. Hindi ka nababaliw, okay? You need to calm down."
BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...