Chapter 18
The Lost In Between"UY, JAZEN mah men!"
Biglang bumungad sa harap ko si Punch nang makalabas ako ng office kung saan ko kinukuha ang tutorial class ko. Kasama niya si Milo na bumati rin sa'kin. I know matagal na naming nakakasama sa barkada namin si Milo pero ngayon ko lang napansin na may kakaiba sa kaniya. . . 'Yung mga tingin niya sa'kin.
Pero teka, don't get me wrong. Hindi 'yung makagkit na tingin ang tinutukoy ko. Ang ibig kong sabihin, 'yung tingin na animo'y may gustong-gusto siyang sabihin sa'kin pero hindi niya magawa. Matagal ko na 'yun napapansin sa kaniya. Alam ko may pagka-maangas siya minsan, pero ngayon parang kakaiba. . . parang may mali.
"Man, sensya na nga pala kung umalis ako sa ospital noong isang gabi. Ayoko lang talagang madamay. Sana maintindihan mo ako," saad ni Punch sa'kin.
Tumango lamang ako sa kaniya. "Oo naman, naiintindihan ko. Ayoko ring mapahamak ka. Ayoko kayong mapahamak, kaya mas ayos na siguro 'yun." Sandali akong natigilan. "Pero bro, if you know about anything, please tell me. I don't know who to trust anymore."
Lumapit s'ya sa'kin at umakbay. "If it's about the girl fight between Mayi and Hani, I don't know what's in it anymore. Hani is so terrified about what happened to you and she's blaming it to all of us. Paulit-ulit niyang sinasabi sa'min na iniwan ka namin, but that's not true. We just did what we could do to save our fucking assholes. Man, I know you're old enough to know whose side to choose—Team Mayi or Team Hani. Pero ako, wala. Tropa ko sila pareho kaya ayokong maging bias. Isa pa, Hani is so cute when she's smiling that I can't resist. I hope she does that too often. Laging nakabusangot e."
Napangiti ako sa mga huling sinabi niya, pero pinigilan ko ang sarili ko. "Actually, I'm not referring to their feud. . . Punch, what happened three years ago? Noong nga panahong wala akong malay."
"Walanjo! Hindi mo naman kinlaro agad, dami ko pang sinabi," bulalas niya habang marahas na napakamot sa kanyang batok. "Isa lang ang masasabi ko: I better not be involved anymore. Katulad niyo, natatakot din ako kaya ayoko na sanang makisali pa. Basta, Jace. Nandito lang ako para sa'yo, alam mo 'yan. We all are, we always will. Tropa-tropa tayo dito!"
Maya-maya, may biglang tumawag sa kaniya sa di kalayuan sa kinaroroonan namin kaya't agad siyang nagpaalam saglit at tumungo dito. Naiwan kaming dalawa ni Milo, hindi ko tuloy mapigilang hindi mailang.
Napatingin ako sa kanya at ganun din naman siya kaya't nginitian ko lamang siya. "Sup?" naiilang na bati ko at binalik ang tingin ko kay Punch.
"You don't remember me, do you?"
Agad kong nabalik ang tingin ko sa kanya nang sabihin niya 'yun. Tiningnan ko siya nang puno ng pagtataka. "Ano'ng sabi mo?"
"E siya? Nakalimutan mo na rin ba siya?" tanong niyang muli.
Nakunot ang noo ko.
"'Yung kapatid mo. Ilang taon na nga ba ang lumipas simula noong huli natin siyang nakita? Ang sabi nila, ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nawala. . ."
Naramdaman kong tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Sa hindi malamang dahilan, ramdam ko ang kusang panginginig ng aking mga kamay. Parang anumang oras din ay tutulo ang luha sa mga mata ko kaya't nakailang lunok ako. "S-Sino ka? How did you know—"
"Milo, tara! May sumasayaw daw ng Energy Gap sa school grounds, pagtripan natin!" Biglang dumating si Punch. "Man, diyan ka muna ha!"
Walang anu-ano'y kapwa sila kumaripas ng takbo palayo sa'kin. Nakita ko pa ang pagsulyap sa'kin pabalik ni Milo kaya't tuluyan akong napayuko at napakapit sa mga tuhod ko saka napasinghap. Para akong kakapusin ng hininga, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
Joy Has Gone
Mystery / ThrillerJoy Catulay is not the kind of a girl you'd notice in the street - and that's the way she live her life. She keeps her head down and tries to live a quiet life: dull school, no close-friends, no disruptions. If there are questions about her that rem...